Capitulo labing walo

13 4 0
                                    

Chapter 18: Hiding far away from you.

UNTI UNTI NIYANG IMINULAT ang kaniyang mga mata一 isang pamilyar na kisame ang agad na bumulaga sakaniya.

Kunot noong iniisip kung bakit naroon siya gayong ang natatandaan niya ay roon siya bumagsak sa harapan ng doktor.

"Mama?" mabilis niyang nilingon ang gilit niya at don nya nakita ang anak niya一 si julia na halatang nag-aalalang nakatingin sakanya. "Gising na po kayo.." nakangiting anito munit kitang kita ang pamumuo ng luha nito.

"J-Julia.." banggit niya sa pangalan nito.

Iniangat nya ang kamay nya upang punasan ang mga luha nito. "Shh" pagpapatahan niya rito.

Tumango tango naman ito munit halatang gustong gusto nang umiyak kung kaya't marahan niyang hinawakan ito sa batok at niyakap.

"Ayos na ang lahat.. Gising na 'ko anak" mahina niyang pagcocomfort dito.

Tumango tango ito munit mahinang umiiyak sa bisig niya. Hindi niya rin tuloy maiwasang mamuo ang mga luha sa mga mata niya一 pagkatapos ng lahat ng nangyari sa panaginip niya, hindi niya na alam kung sino pa ba siya.

"Tahan na.." pag-aalo niya at marahang tinapik ang balikat nito.

Napatingin siya sa bintana at hindi niya maiwasang magtaka nung makitang madilim na sa labas.

Muli uli niyang pinagmasdan ang paligid at hindi niya mawari kung anong mararamdaman nung mapagtantong nasa bahay nga talaga siya ni rozzen.

"Anak.. Uwi na tayo?" tanong niya.

Tumango tango na naman si julia nang hindi kumakawala sa bisig niya, marahil ay namiss siya ng sobra nito.

bumuntong hininga siya bago muling tumingin sa bintana.

'kailangan ko nang tapusin ito.. hindi ba?'

HINDI na siya nagsayang pa ng oras一 nung makitang sumisilip na ang araw ay marahan niyang ginising si julia na nakatulog na sa bisig niya.

"Anak, tara na?" nakangiti niyang ani.

Okay na okay ang katawan niya munit hindi ang puso niya. Mabigat na naglakad siya palabas ng kwarto gaya ng bigat na nararamdaman niya.

"Mama.. Magpapaalam na po ba tayo ngayon?" natigilan siya nung magsalita si julia.

Now playing: Huminahon By Up for Byes [ A/N; Naalala ko 'tong kanta habang nagsusulat hehe]

Ngumiti siya ng pilit at tumango. "Magpapaalam na tayo ngayon." dahil alam kong ito na ang magiging huli naming pagkikita, sisiguraduhin ko iyan. Hindi niya na sinabi iyon at hawak kamay na tinahak nila ang kwarto kung nasaan natutulog ng mahimbing na parang bata ang lalaking minsan nang nagpangiti sakaniya..

🎶 Ooh-ooh, ooh
Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh 🎵

Kusang bumitaw si julia sa pagkakahawak niya na tila ba gusto nitong bigyan sya ng oras na kausapin si rozzen mag-isa.

🎶 Huminahon ka kahit sandali
Nabalutan ng lungkot ang 'yong mga ngiti
Huminahon ka kahit minsan
Ako ang iyong ligtas na tahanan~ 🎵

Naglakad siya palapit sa binata na tila isang bata kung matulog munit halata ang pagod sa mukha nito.

🎶 Ramdam ko naman, ika'y nahihirapan
Pwede naman nating pag-usapan
'Di naman kita iiwanan, kaya~🎵

Iniangat niya ang kamay nya at marahang hinaplos ang mukha nito.

🎶 Huwag kang mag-alala, sasamahan kita
Hahanapin kita, sa'n ka man magpunta
Nandito lang, nandito lang ako~ 🎵

HER FAMILIAR SCENT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon