Capitulo Labing dalawa

20 5 0
                                    

Chapter 12 : leaving

HAWAK hawak ni shakira ang kamay ng kaniyang anak habang sinisilip ang pagliwanag ng langit..

'mag uumaga na..' aniya nito sa sarili.

Wala siyang tulog habang ang anak niya naman ay ginising nya kanina lang. Kagabi nya pa pinag iisipan kung paano siya tatakas, kung anong oras at kung saan siya pupunta.

At ang naisip niyang plano ay sa umaga umalis dahil alam niyang tahimik ang kagubatan dahil sa umaga-- tulog ang mga nabubuhay dito. Iyon lang rin ang oras na tulog ang dalawa. 

Pero hindi niya maisip kung saan siya pupunta. Nagising sya sa isang madilim na kwarto at napag alamang isa pala iyong truck na kikidnap sakanila. Kung sa bahay nila ay may mga lalaking naroon na tila isang gwardyang nangmamanman sakanilang dalawa.. at nung tanggapin at patuluyan sila ni rozzen akala niya ay nakahanap na sila ng tahanan pero.. mali pala ako.

Wala nang safe na lugar sakanilang dalawa sa kagubatang ito.

Dahan dahan niyang binuksan ang pintuan at parang nakaangat na ang kanilang paa habang naglalakad upang hindi makagawa ng ingay.

Asuswal, madilim at tahimik ang bahay.

Tinignan tignan niya pa ang paligid bago naglakad patungong main door munit bago pa man sila makalabas ay nagsalita si julia.

"Mama saan po tayo pupunta?" natigilan siya at napabuntong hininga.

Alam niyang matalino ang anak niya, mabilis itong maka intindi sa lahat ng bagay.

Pilit ang ngiting nilingon niya si julia. "Anak, kailangan na nating umuwi." mahinang sambit niya.

Nakita niyang kung paano nalungkot ang mukha ni julia.. Tumungo ito at bumitaw sa pagkakahawak niya.

"Pero paano po sila?" malungkot nitong tanong.

Napailing siya at umupo upang magkapantay silang dalawa. "Anak, ayaw mo bang umuwi sa atin?" tanong niya rin.

Nakasimangot na iniangat ni julia ang paningin nito kay shakira. "Gusto ko pong umuwi, mama.." mahina nitong sabi. "Pero hindi po ba kayo na rin ang nagsabi na masama ang umalis ng walang paalam?"

Natigilan siya sa sinabi nito.

Natatandaan niya kung paano niya sinabi kay julia noong tatlong taon pa lamang ito na huwag na huwag aalis ng hindi nagpapaalam dahil mag aalala at malulungkot ang iiwan nito.

"Aalis po tayo pero kailangan po muna nating magpaalam sakanila.." Desidido nitong ani.

Ngumiti si shakira at hinakawan ang buhok ng anak. "Sinabi ko ngang magpaalam kapag aalis ka pero anak, may mga bagay na hindi mo na kailangang ipaalam sa iba.."

"Dahil po ba hindi na tayo babalik pa?" mas lalo siyang natigilan sa narinig. "Mahirap pong umalis sa tahanan kung may dala dala po kayong mabigat na nararamdaman, mama.." napatitig sya sa mga mata ng anak at kitang kita nya roon ang pagiintindi. "Kanina po naka tip toe na tayong naglalakad pero sobrang bigat pa rin po ng hakbang nyo po.."

napayuko siya at hindi alam ang sasabihin.

Hindi niya masabi sabi ang totoong dahilan kung bakit kinakailangan nilang umalis dalawa-- kahit kasi ganito ang kinalabasan ng lahat ay ayaw niya pa ring masira ang dalawang iyon sa mata ng kaniyang anak.

"Kaya mama sana po ay magpaalam po tayo kina mister rozzen and mister khironny.." dagdag pa nito.

Nakagat niya nalang ang sariling labi at tumayo. 'hindi ko mapagbibigyan ang sinabi mo anak, dahil maski ako.. hindi ko kayang magpaalam sakanila. Lalo na sakanya.' mariin niyang ani sa isip.

HER FAMILIAR SCENT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon