Capítulo dós

74 44 1
                                    


Chapter 2 : As a stranger.

Kanina pa nakaalis si Sir zen daw, munit todo pa rin sa papuri ang manager nya.

"Haynako, Alam mo bang isa sya sa mga gwapong costumer natin dito? Hindi sya araw araw pumupunta dito, Pero talagang isa sya sa vip costumer dito!" hiyaw ng bakla nyang manager.

napailing nalang sya bago ilapag ang basahang ginagamit nya. "Gwapo nga, mayaman nga. Vip pa nga diba? Pero what if masamang tao? Edi waley" bumalik ulit sya sa ginagawa nya matapos iritang sabihin iyon.

Napa daing sya nang hampasin sya ng dalang pamaypay ng manager nya sa braso. "Ouch ha!" nakangusong sambit nya.

"Ano ka ba naman kasing babaita ka! Hindi ka talaga marunong tumingin sa mga lalake" ilingiling na sabi nito sakanya. "Si sir rozzen napaka bait nun, Alam mo ba nung mga oras na pabagsak na tong bar na 'to e nandyan sya para tumulong? Tapos halos lahat ng mga batang kalye kilala rin sya kasi lagi nyang binibigyan ng pagkain yung mga 'yon pagkadaang pagkadaan nya dito" mahabang kwento ni manager.

Lumambot ang puso nya dahil sa sinabi nito. Tuwing kasi tungkol sa mga bata lalo na sa mga batang kalye e ibang usapan ba para sakanya. Malambot ang puso nya sa mga batang kalye lalo na't naging isa rin sya sa kanila noon.

Napaisip sya sa sinabi ng manager hanggang sa matapos na ang oras nya para magtrabaho.

Mabilis syang nagbihis at lumabas sa pinto na nasa likod dahil bawal rin akong lumabas sa harapan. Lalo na't maraming lasing tapos babae pa man din ako.

Napahiyaw ako at napahawak sa dibdib ko nang pagkalabas na pagkalabas ko ay bumungad ang mukha ni sir zen!

"Letsugas naman!" inis na sambit ko bago inayos ang suot kong jacket. I heard him chuckles and it feels like i've heard it.

Huh? Bakit parang pamilyar naman ang isang to?

"Bakit ka tumatawa dyan? Masaya kang nakagulat ka ng tao?" masama ang tingin na ipinukol ko sakanya dahilan para mapalabi sya.

Napatingin ako sa labi nya, hindi ko alam kung gaano katagal kong tinignan iyon pero bumalik lang ako sa reyalidad nang marinig na naman ang tawa nya.

Alam kong namumula na ko ngayon, kaya imbis na titigan sya ay umiwas ako ng tingin.

Shet! napaka bobita mo talaga Shakira!

"Hey hey! Saan ka pupunta?" hindi ko sya pinansin at nagmadali nalang maglakad.

pero hindi ko aakalaing mas mabilis pa sya sa'kin dahil ilang segundo lang ay nasa harapan ko na sya!

Napalingon ako sa likod ko bago tumingin na naman sakanya.

P-Pano?

"Wag kang magulat, mabilis lang talaga ako" napansin nya sigurong nagulat ako kaya agad syang nagpaliwanag.

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi nya bago tumango tango.

"Okay, Tabi kana dyan" pilit ang ngiting sambit ko.

hindi sya umalis, nanatili lang syang nakatayo kung saan sya nakatayo.

Inis kong iniangat ang paningin ko, at gulat ako nung makitang nakatingin- mali. nakatitig pala.

"Bakit nakatitig ka sakin? May problema ba sa mukha ko?" agad kong kinuha ang maliit na salamin sa bag ko at tinignan ang mukha ko pero niisang dumi ay wala naman.

Agad kong binalik ang maliit na salamin sa bag ko at nagtatakang tumingin sakanya.

"hindi ka pa rin nagbabago" naitabingi ko ang ulo ko nang marinig ko ang bulong nya or bulong pa ba yon dahil parang sinadya nyang iparinig sa'kin iyon.

HER FAMILIAR SCENT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon