Capitulo sais

50 42 2
                                    

Chapter 6: Saving me again.

MAHIGPIT ang hawak ni shakira sa kaniyang anak na katabi nyang nakaupo sa waiting area na katabi lamang ng counter ng hospital.

parehas silang nakatingin sa lalaking nasa counter ngayon na seryosong nakikipagusap sa nurse-- si sir rozzen.

hindi kasi niya napigilan ito nung sinabi nitong siya na raw ang magbabayad at hindi nya na raw kaylangang mag-abala pa.

'di nya mawari kung hulog ba ito ng langit dahil sa kabaitan nito o inuluwa ng lupa pero hindi nya na kinakaylangan malaman pa-- dahil ang umuukupa sa isip nya ay kung anong ginagawa nito at kung bakit kaylangan pa nitong makita sila sa ganitong sitwasyon...

'Hindi ko talaga alam kung bakit nararamdaman ko ito, ayos lamang sa'kin munit mayroon sa'king hindi napayag.'

"Okay na ang lahat."

naikurap nya ang kaniyang mga mata-- hindi nya kasi napansing tapos na pala itong makipagusap at ngayon ay nasa harapan nya na ito.

Agaran syang tumayo at marahang yumuko.

"Maraming salamat sa'yo." ani nya at tumingin rito. "Babayaran kita kapag umuwi na kam--" hindi nya pa natatapos ang sasabihin nya nung magsalita ito.

"Wala naman akong sinabing bayaran mo, Ako ang nagkusa." nakangiting sambit nito. "Bayad ko rin iyon dahil pinatuloy nyo ko sa bahay nyo"

nakatitig lang sya rito.

Naramdaman nya ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso nya..

'Parang nakita ko na yung mukhang iyon..'

'parang pamilyar na hindi, masyadong magulo..'

"Mommy.. Ano pong problema?"

nabalik sya sa kasalukuyan dahil sa pagtapik ni julia sakanya!

napapahiyang ibinababa nya ang kanyang paningin, hindi nya namalayang nakatitig na pala sya sa lalaking nasa harapan nya ngayon.

"A-Ah sorry anak, may naisip lang ako." pilit nyang inayos ang aking boses sa pamamagitan ng pagtikhim bago humarap kay sir rozzen munit hindi siya makatingin. "Maraming salamat ulit" ani nya at marahang nagbow.

sinenyasan nya ang kaniyang anak upang magpasalamat rin at buti nalang naintindihan nito.

"Maraming salamat sir rozzen. Napakabuti nyo pong nilalang, Kung hindi po sana sainyo.. Eh, di sana inaaway na po ang mama ko ng mga nurses dito" tuloy tuloy na sambit ng anak nyang si julia. "Kaya maraming salamat po sainyo, sa pagtulong sa mama ko. Hayaan nyo po darating na po ang papa ko kaya alam kong may makakasama na po si mama sa pagpapalak--"

"Julia." mariin nyang tawag dito.

Nagtataka itong tumingin sakanya at tumingin din kay sir rozzen na para bang iniisip kung anong problema.

huminga sya ng malalim bago sa wakas nagkaroon na sya ng lakas titignan si sir rozzen.

walang emosyon ang mukha nito, hindi nya alam kung anong iniisip nito pero sa tingin nya ay hindi nya na iyon kaylangan malaman pa.

HER FAMILIAR SCENT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon