chapter 14: Coincidence? or meant to be?
NAPATINGIN si shakira sa dalawa habang halos magkasalubong ang noo一 halos kasi ay habulin na ng mga ito ang kanilang hininga na tila masyadong malayo ang kanilang itinakbo kahit ang totoo ay hindi naman.
"Ayos kalang anak?" tanong nya habang hinahaplos ang likod nito.
"A-Ayos lang po ako mama" tinignan niya ito ng maiigi bago tumango tango at nalipat ang tingin kay thomas.
"Are you okay?" tanong nya rin dito.
Tumango tango ito一 nalipat ang tingin niya sa kamay nitong nakasandal sa lamesa na tila ito ang nagsusuporta rito.
"Water?" tanong nya at bago pa man ito makasagot ay mabilis siyang kumilos upang kuhaan ang mga ito ng tubig.
"Grabe mama ang bilis nyo pong tumakbo kanina" iyon agad ang sinabi ni julia matapos nitong inumin ang tubig na inabot niya.
kunot noong nagkibit balikat siya. "Para sa akin ay mabagal pa ang isang iyon." iyon na lamang ang isinagot nya bago binaling ang tingin kay thomas. "I think there's some mysterious or something on that forest." seryoso niyang ani.
Inubos muna nito ang tubig bago tumango at nagsalita. "I think that too. And maybe there's something mysterious to you as well" napakunot ang noo niya.
"Hm, I'm with some people i know when we entered that part of forest so i think there's nothing mysterious to me." kibit balikat niyang sagot.
"Then how can you explain what happened earlier? Why i am the only one who can't enter that mysterious forest?" doon niya naiangat ang isang kilay at malalim na napaisip.
'kung tama ako ay tila may harang ang gitna ng forest na tila ba may malaking harang doon para sa mga tao sa loob..' kumunot ang noo niya. 'at kung tama ang pagkakarinig ko ay si rozzen ang nagsabing isa siyang bampira..'
Literal na napanganga siya nung mag sink in lahat sakaniya!
"Ibig nun sabihin.." huminto siya at kunot noong bumaling sa pinto!!
'Ang harang na iyon ay ang proteksyon ng mga bampira sa tao?' Bigla siyang napaayos ng tayo! 'pero bakit sakin一 sa amin ni julia ay walang epekto?'
Napaupo siya sa isang de-kahoy na sofa at isinandal ang ulo sa matigas na sofa na iyon.
"Ang gulo gulo.." bulong niya sa sarili. Iniangat niya ang tingin niya at tumingin sa dalawang nakatingin na pala sakaniya kanina pa! "I want to sleep.. Please wake me up later." aniya tsaka tumayo at pumasok sa kwartong pinaglabasan niya kanina..
ISINALAMPAK ni rozzen ang sarili sa malambot nilang sofa.
tila pagod na pagod ang katawan niya kahit ang totoo pa ay wala siyang ibang ginawa ngayong araw maliban na lamang sa pag-dedestribute niya sa mga gamot na gawa niya sa mga bampira kanina pagkauwi niya galing kina adrasteia..
"Anong gusto mong kainin ngayon dude? Sawa na ako sa dugo ng mga hayop dito sa kagubatan.." hindi niya pinansin si khironny na batid niyang naghahalukay na sa refrigerator niya sa kusina. "Hays, namiss ko tuloy ang luto ni.." batid niyang kahit hindi nito tinuloy ang sasabihin ay alam niya na kung sino iyon, iisang tao lang naman ang nagluto sakanilang dalawa. "Nasan na kaya sila ngayon?" naimulat niya ang tingin at isang imahe ng babae ang pumasok sakaniyang isipan.
'hindi ko rin alam..' ipinikit niya ang kaniyang mga mata kasabay ng pag-alala sa mukha ni shakira..
"Sana naman ay nakauwi sila ng maayos.." rinig nya na namang ani ni khironny at tulad nung nagdaang oras ay hindi niya iyon pinagtuunan ng pansin.
BINABASA MO ANG
HER FAMILIAR SCENT
FantasySa lahat ng taong nakita at nadapuan ng mga mata nya-- bakit sa babaeng 10 years nya ng hindi nakita ang may kaperahas nitong amoy? Her smiles, Laugh, Chuckles and everthing that she does, all of them are familiar to him.. Noong una inaakala nya la...