Chapter 25: Ang pagbabalik
SHAKIRA P.O.V
Wala na 'kong nagawa nung bigla na lamang akong tanggalan ng tali at hilahilain na para bang isang alagang aso ni Lucas.
Wala akong ideya kung saan kami pupunta at wala rin akong balak pang magtanong一Para saan pa gayong alam ko naman na kung anong bagsak ko run.
Humigit isang buwan na matapos akong ikulong na para bang delikadong tao ng lalaking itinuring kong kaibigan.
At sa isang buwan na 'yon ay halos sumakit ang buong katawan ko sa araw araw nilang pagpapahirap sa'kin; Naroon ang tutuluan nila ako ng tubig ng kandila sa buong katawan na ilang beses akong napasigaw dahil sa sobrang sakit.
Meron pang mga araw na nilalagyan nila ng alcohol ang bawat sugat na natatamo ko sa pangbubugbog nila.
At ang huli sa lahat ay ang malalang pambububugbog sa'kin nitong mga nakaraang araw. Gumagamit na kasi sila ng mga armas na siyang ilang beses na binawasan ang dugo ko sa katawan na 'to.
Pero walang mas sasakit pa don一 ang dami ko nang napagdaanan at niisa ron ay parang normal na sakit na lamamg.
Munit nakakapagtakang iba ibang tao ang nakakasalamuha ko bawat araw. Iba't ibang tao ang nagpapahirap sa'kin araw araw. Ang mas nakakapagtaka pa'y tuwing may pumapasok na mga lalaki sa kwarto'y agad ding lumalabas si Lucas na para bang ayaw niyang makita ang gagawin nila一 na para bang pinagkakatiwala na nya sa mga lalaki ang pagpapahirap na gagawin sa'kin.
Gayon pa ma'y gusto kong matawa ng malakas tipong rinig sa buong bahay na ito. Gustong humalakhak ng todo dahil bagaman ganun ang ginagawa niya sa'kin ay lagi naman niya akong pinapakain ng masusustansyang pagkain. Hindi ko nga ginagalaw munit siya mismo ang nagsusubo sa'kin nang papilit一 halos matanggal ang panga ko sa araw araw niyang pagpipilit sa'king buksan ang aking bunganga.
Gusto ko mang magmatigas ay wala na kong magawa gayong pagod na ang buo kong katawan at wala na rin akong lakas makipagtalo pa.
Ngayon naman ay naglalakad kami sa maluwag na hallway patungo sa isang malaking pinto. Sa totoo lang ay hindi ako mukhang pinahirapan dahil agad naghilom ang mga sugat ko.
Para lang akong isang babaeng puyat at naka-drvgs dahil sa nangayayat ako. Isama mo pang malaki na ang maletang dala-dala ng mga mata ko.
Napatingin ako kay Lucas na nasa harapan ko. Hindi siya kailanman lumingon o maski ang titigan ako simula pa kanina. Bumaba naman ang tingin ko sa magkahawak naming kamay; Kung hindi mo alam ang nangyayari ay siguradong iisipin mong normal lang kaming magcouple pero kung titignan mo ng mabuti'y makikita mo kung gaano kahigpit ang hawak ni Lucas sa kamay ko na parang mababali na.
Walang ganang tumingin ako muli sa daanan. Halos pare-parehas lamang ang nakikita ko sa bawat daan na tinatahak namin sa bahay na 'to.
Puros painting ng isang pamilyang hindi ko naman kilala.
Gaya ng inaasahan ko ay huminto kami sa dulong pinto. Saglit pang huminto si Lucas at buti nalang ay napahinto rin ako agad kung hindi'y mauuntog ako sa malaki nitong katawan.
Muli akong napabuntong hininga at napatingin na lang sa lupa.
"Lalabas tayo. So behave yourself" pagkatapos nyang sabihin iyon ay wala siyang galang na hinila na lamang ako na muntik ko pang ikahulog sa hagdan一mabuti na lamang at nabalance ko agad ang katawan ko.
Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapangiti ng mapait. Lalo na nung masilawan ng matirik na araw ang maputla ko nang balat.
Muli kong naramdaman ang preskong hangin na tumama sa buong katawan ko. Hindi ko maiwasang mangilabot at malungkot.
BINABASA MO ANG
HER FAMILIAR SCENT
FantasySa lahat ng taong nakita at nadapuan ng mga mata nya-- bakit sa babaeng 10 years nya ng hindi nakita ang may kaperahas nitong amoy? Her smiles, Laugh, Chuckles and everthing that she does, all of them are familiar to him.. Noong una inaakala nya la...