Capitulo dalawampu

27 4 0
                                    

Chapter 20: Pain & Guilt

SHAKIRA'S POV.

SA TALANG buhay ko, tuwing may problema ay sa iisang bagay lang ako magaling.

At iyon ay ang pagtakbo

Simula nung mawala ang kaisa-isang pamilya na nariyan sa'kin ay wala na 'kong ibang ginawa kung hindi ang takbuhan ang lahat ng problema ko.

Ang problema tungkol sa sarili ko at tungkol kay rozzen,

At ngayon naman ay tungkol sa aming dalawa ni Lucas.

Ang pagtakbo lang ang tanging paraan na naiisip ko para makaligtas sa kung ano mang pasakit ang mararamdaman ko sa problemang iyon一 running away is the only way to protect myself from hurting.

But..

I don't realize that running away will make everything complicated as it is.

"Hindi na dumadayo dito si Lucas ha? Nagsawa na ba siya sa drinks natin?" sabi ni Manager rotiro habang nakatulala sa bandang kumakanta sa stage.

Nagkibit-balikat na lamang ako.

Nagkukunwareng walang alam kahit alam ko naman ang totoo.

'Umiiwas na sakin si Lucas.'

Alam kong mangyayari ang ganito munit hindi sa ganong kadahilanan.

pero, kahit hindi ko inaasahang magkakaganito kami ay kahit papaano naiintindihan ko ang nararamdaman niya.

'nasaktan ko nga talaga siya.'

Ilang araw na ang nakalipas simula nun, maski isang araw ay hindi ako tumigil sa pagme-message sakaniya kung kamusta na ba siya at iba pa.

Sa dami non, maski isa roon ay hindi niya magawang sagutin man lang. Maski ang i-seen lang ang message ko ay parang mabigat na gawain na dahil hindi niya man lang ginagawa.

"Kaka-launch lang ng bago niyang brunch. Siguradong busy yun sa kompanya niya." iyon na lamang ang nasabi ko nung hindi man lang ako tinigilan ng titig ni Manager.

"Kung sabagay.." mabuti na lamang at naniwala siya.

Hindi na ako umimik pa upang hindi na mag-usisa pa si manager rotiro. Kung patuloy kasi itong magtanong ay siguradong wala na kong masasagot pa.

"Mama!" masayang bungad sa'kin ni Julia.

Sinalubong ko naman siya ng isang mahigpit na yakap at bahagyang ginulo ang buhok niya.

"Kamusta ang skwela?" nakangiting tanong ko.

Inilahad naman nito ang braso niya kung kaya't nagtatakang napatingin ako roon-- at nanlaki ang mata ko nung makita kung gaano karami ang nakatatak na star dun!

"Wow anak! Galing ah?" masaya kong compliment sakaniya.

Mas lalong napuno ng tuwa ang aking puso nung makita kung paano siya ngumiti na tila nasisiyahan talaga sa bituing nauwi niya sa bahay. 

"Ang galing galing ng anak ko." dagdag ko pa at bahagyang hinaplos ang kaniyang buhok.

Kahit pa hindi galing sa akin ang batang ito, masaya akong makitang humahakbang na siya patungo sa kaniyang tatahakin. Masaya akong makita ang kinang at kainosentehan sa kaniyang mga mata na sana..

Sana lang ay hindi mabura tulad ng nangyari sa akin..

"Ang ganda ganda naman ng anak ko." kita at ramdam ko ang saya niya habang nakatingin sa'kin at bahagyang hinahaplos ang buhok ko.

HER FAMILIAR SCENT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon