Chapter 14

3 3 0
                                    

Kurt Pov

"kuya tristian ikaw ang pang huli  sa listahan" napatango na lang ako sa sinabi. Ilang oras na ba ako nakatambay? Dalawa? Tatlo? ahhh mga nasa anim na oras na pala ako naghihintay.

Sa totoo lang kanina ko pa gustong hatakin palabas at makausap ang babaeng hindi maalis sa isip ko. Ewan ko ba pero sa pagkaka alam ko lang ay gusto ko lang siya pero mukhang ngayon hindi na pagkagusto ang nararamdaman ko kundi...

"Kuya tristian ikaw na" at sumunod na ko at pumasok sa loob pero habang nasa loob busy ang iba para sa huling kasal na magaganap at hindi nila alam na ako ang groom niya. Hinanda ko na sarili ko at sa susunod pa dahil sa oras na masabi ko na to wala ng bawian.

"punta na po kayo sa harap" at ginawa ko na ang dapat gawin ang pumunta sa harap at hintayin ang magiging bride ko at sisiguraduhin ko na siya na ang magiging bride ko.

Habang papunta siya sakin makikita ko na gulat siya.hindi lang naman siya ang gulat kahit ang iba na nakikinood sa pekeng kasal na to ay gulat na gulat.

"K-kurt" bungad niya agad ng makarating siya sakin gusto ko magsalita pero ngiti lang ang tugon ko sa kanya. Kunti lang sinabi ng pekeng pari sa amin at nag i do na kami...alam ko rin na walang singsing kasi naman peke nga ang lahat pero dahil sa gusto ko na may singsing ay sinuot ko sa kanya na ikinagulat niya ulit..at sinuot ko din ang akin para fair din naman.

Dahil sa araw na to siya na ang magiging asawa ko in the future.








Yu Pov

ano ba ang ginagawa niya? Bakit?

Hindi ko akalain na siya pala ang huling magiging groom ko at ang nakakagulat ay yung may dala pa siyang singsing na parang nasa totoong kasal talaga kami.. Baka trip niya lang yun tama trip niya lang.

"buti tapos na tayong lahat" sabi ng isa sa mga kasamahan namin 

"tara libot na tayo" yaya naman ng lahat kungsabagay tapos na rin at hindi pa kami ko nakakalibot at nakakatry sa mga booth dito pero kung di maka abot ok lang rin dahil may next year pa naman kaya ok lang rin kung hindi ako makakaranas ngayong taon.

"tara na guys" yaya niya ulit saamin kaya lumabas na kami para makalibot na pero nung nakalabas na kami ay siya naman may nanghila naman sakin. Kahit mga kasamahan ko ay hindi napansin ang paghila sa akin.
Wala bang katapusang hila pa to?

Kurt Pov

Pagkalabas naman niya ay siya ko namang hinila si Yu dahil sa oras at araw na to sasabihin ko na kung ano ang mararamdaman ko para sa kanya kahit madami akong kaagaw ay uunahin ko na sila at si Yu ay magiging akin.

Hila ko parin siya at napapunta kami sa BR (Broadcasting Room) alam ko walang makakarinig sa sasabihin ko dahil nakabreak time ang mga nakaduty dito. At ng makapunta na kami ay siya ko naman pagbitaw sa kanya.

"Ano ba problema niyo at lagi niyo ko hinihila na lang ng biglaan pwe-- IAN?"

ngumiti lang ako sa kanya "Hi Yu! sorry kung hinila na lang kita ng biglaan" sabay kamot ko sa batok putcha!!

"May sasabihin ako sayo Yu" biglang seryoso ko,walang bawian na to.
nakatitig lang siya sakin at mukhang hinihintay ang sasabihin ko.

"Izumi Yu Park  I really really like you, at liligawan kita sa ayaw mo man o gusto"  seryoso ulit na sinabi ko.






















My Brother and I (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon