Yu Pov
Ilang buntong hininga na ba ang ginagawa ko para maisip kung bakit iba na ang pagtrato nila sakin kung dati kapag papasok ako may madadatnan pa kong may nagbabatuhan nang mga papel pero ngayon hayyy nevermind na lang.
Napatingin ako sa mga classmate ko na sobrang seryoso sa pakikinig. Kala ko mapupunta ako sa hotseat dahil sa hindi ko pagpasok nang 1 month and 2 weeks. Pero buti na lang at hindi nangyari yun. Napatapos na ang lahat pero iba talaga ehhhh. Bago man sila magsi-uwian pumunta na ko agad sa harap para makausap ko sila.
"Kindly explain" seryosong sabi ko sa kanila
"Y-Yu este P-President Yu"
"Cut that President thing" napahawak ako sa bewang ko habang nakatingin parin sa kanila nang seryoso aba kailangan talaga nila mag-explain sakin kung bakit ganito sila sakin at iba na ang trato nila sakin kung dati lahat sila kaibigan ko kahit ganito ako na may pagka-cold sa kanila.
"Kasi yu" napatingin ako sa nagsalita at si dale yun ang president class namin "nalaman kasi naming lahat na ikaw pala yung President na tinutukoy at mas lalo na nalaman namin na ikaw pala ang tagapagmana at nag iisang anak ni Principal Park"
"Dahil lang dun!!!! Iiba na ang pagtrato niyo sakin? Guys ako parin to pagbaliktarin man natin ako parin to si Yu na nakasama niyo dito sa Academy na to"
"Sorry yu!! Yun kasi diba dapat gawin" sabi nung isa
"Kahit na!!! Kahit na nalaman niyo kung ano talaga ako, kaibigan niyo parin ako"
"Yu sorry na hindi naman uulitin" boses naman yun ni pat
"Sorry Yu" sabay naman nilang lahat
Napangiti ako "apology accepted guys"
"Group hug" at naggroup na nga kami...
"AYOKO NA" sigaw ni pat sa office namin
Napahawak ako sa sintido ko sa nangyayari ngayon. Madami palang problemang dapat ayusin dito at alam ko na kung bakit yung mga nakilala kong mga dating naging President ay parang binagsakan nang mundo.
"Let's have a break everyone" sabi ko sa kanila "30 minutes para makapagrelax at maging maayos na kayo" nagpasitango naman sila sa sinabi ko.
Napatingin na lang ako sa kisame. Dad meron pa bang mas mahirap dito?!
"Yu" tawag sakin
"Hmmmm?"
"May mga naghihintay sayo sa labas nang pinto pres." Pagkasabi nun ay napalingon ako na may mga nagsisilip sa loob
"Ikaw pres ahh hindi mo man lang sinabi samin na kakilala mo pala sila" pang-asar ni amy sakin
"Nakakatampo ka na pres." Sabi naman ni pat
"Alam niyo namang assistant ako ni prof. John" nang sinabi ko nun ay tumayo na ako at pinuntahan ang mga nasa labas nang office namin.
At nang makalabas na ko ay tumahik na sila habang ako nakataas ang kilay. At mukhang nagets agad nila.
"Ipapasa na namin Yu mga projects namin"
"Lahat kayo?" Lahat sila napatango
"Wow planado niyo to nohhhh!" Napakamot na lang silang lahat sa sinabi ko. Sinasabi ko na nga ba tsk tsk.
"Akin na" nagtataka sila kung ano ang kinukuha ko "Project niyo" at dun nagets na nila kaya may binigay sila sakin na isang usb.
"Andyan lahat sa usb mga projects namin kasama mga pangalan namin" napatango na lang ako.
"Ok ibibigay ko bukas mga projects niyo" tumalikod na ko at para pumasok na sa office. Atsaka madami pa problema na dapat ayusin.
Maraming pumunta sa office para ipasa sakin mga project nila at lahat sila usb ang binibigay.haaayyyy gusto ko nang humilata sa kama at matulog...
"Bye pres" paalam nila sakin lahat
Pinatay ko na ang dapat patayin sa loob nang office para makauwi na ko. Habang papunta ako sa parking lot ay may nakita akong rebulto na nakadantay sa kotse ko at sino naman kaya to?
Nang malapitan ko na ay dun ko nakilala kung sino ang taong yun."Kurt"
Nakatingin lang siya sakin."May kailangan ka?" Tanong ko sa kanya pero siya nakatingin parin sakin...
Binuksan ko na yung driver seat ko para pumasok at umuwi na kung wala namang sasabihin tong tao na to.
"Kung wala aalis na ko" papasok na sana ako nang magsalita siya.
"Wait" lumapit siya sakin at may binigay siya sakin na Lollipop? Ano ako bata?
"Ano yan?" Tinanong ko parin kahit alam ko naman.
"Lollipop" inilapit niya sakin ang lollipop para kunin ko kaya no choice kinuha ko na lang.
"Thanks so alis na ko" tango lang ang sinagot niya kaya pumasok na ko sa loob at magdrive pauwi.
KINABUKASAN pumunta agad ako sa building para ibigay agad kay prof. John ang mga projects na binigay sakin nang mga students niya.
"Goodmorning Professors" bati ko sa kanila pagkadating ko sa office nila.
"Goodmorning din Ms.Yu napaaga ka yata"
"Projects po" at inilapag ko na sa table ni prof. John at naglagay ako nang note na mga projects mga nasa loob nito.
"Sige po alis na po ako" paalam ko sa kanila at umalis na ko para pumasok na.
BINABASA MO ANG
My Brother and I (Editing)
Teen Fiction"Fall in love in a wrong person" Anong gagawin mo if what if ma inlove ka sa isang lalaki na akala mo na ok na ang lahat wala nang problema kumbaga perfect na ang lahat lahat. Pero hindi mo akalain na may dadating na magbabago sa buhay mo na ang ta...