Yu PovHindi ko parin maintindihan tong si tristian araw araw ba namang may binibigay sakin na lollipop kada pauwi. Nakakacurious na kasi pero nong una hindi kasi akala ko trip niya lang pero ngayon nakukucurios na talaga ako sa pinaggagawa nitong bestfriend ni zac. Oo bestfriend niya kaya magkaparehas na may trip isa pa tong si zac pero sanay na kong sa taong yun dahil kilala ko na siya pero itong si tristian hindi ehhh.
Tulad ngayon may lollipop ulit akong natanggap pero hindi na pag uwi pag pasok ko naman seriously bata ba ako sa lagay na to haler 18 na kaya ako.
Kaya ngayon buong araw akong nakasimangot sa buong klase kung dati malamig ngayon sobrang malamig nakakabadtrip ano tingin niya sakin bata?. Kaya walang lumalapit sakin lalo na sa ngayon arrgggghhh!!!!!!....Binuksan ko yung binigay niyang lollipop saka sinalpak sa bunganga ko para matikman tong binigay niya at sa totoo lang ngayon ko lang siya titikman dahil sa hindi ako pamilyar sa lollipop na binigay niya kaya ayun pero sa totoo lang ang sarap pala nito 😭 saan kaya to nabibili? Matanong nga kaya sa kanya pero wag muna hindi ko pa naman nauubos yung binigay niya. Ehhh sa ngayon ko lang natikman.
Habang nagkakalase nakasalpak parin tong lollipop wag kayo sanay na mga yan sakin 😂. Buti nga lollipop hindi katulad dati na pocky ang dinadala ko. Natapos na ang klase at dahil mauubos na ang 5 lollipop ko oo 5 dahil yung 4 nasa bag ko pala buti nalang nasa bag kung hindi baka makakauwi ako sa bahay para kunin yung iba pang lollipop. Lumabas na ko sa classroom namin para magrecess at para mapuntahan si tristian at matanong kung saan niya to nabibili dahil sa oras na to na aadik nako sa lollipop na binigay niya.
“yu sabay tayo” hindi ko pala namalayan na nasa tabi ko na pala sila pat at amy.
Tumango na lang dahil diba nga may lollipop ako at ayokong magsalita nakakatamad pero yung isip ko madaldal iba din ehhh nohhh.. Nakarating na kami sa cafeteria at sa dating tambayan kami umupo.
“ako na ang oorder ano sa inyo?”
“sakin pasta,burger,pizza blah blah amy” tumingin naman sakin kaya tinanggal ko muna para magsalita
“usual” tapos salpak ulit
Nakatapos na sa pagorder si amy at sa pagbalik niya may kasama siya walang iba kundi ang ibang officers at buti na lang ubos na yung lollipop na yun ang tagal kasing maubos. Sa wakas makakain na ko“sit” ang sama ko naman kung hindi ko paguupuin ang mga to at para makakain na rin kami at ako na rin.
Natapos na kami sa pagkain.
“Yu” napatingin ako kay dale kasi siya yung tumawag sakin.“Yes Vice?!” yes siya ang vice ko palitan lang nohhh kung siya ang president sa classroom at ako naman ang vice niya pero sa campus siya ang vice ko at ako ang president niya nice naman diba. Pero ok lang naman sakin na siya ang maging vice ko dahil napaka responsible student siya sa buong campus at bagay na bagay sa kanya yun. Hinihintay ko ang sasabihin niya sakin.
“Kailan ka pa nahilig sa lollipop?” napaisip ako sa sinabi niya oo nga noohh kailan pa ko napahilig sa lollipop ehhh sa pagkakatanda ko ay ni minsan hindi ako mahilig kumain nang matatamis nakakain naman pero yung napahilig ay nakakapagtaka na talaga.
“ewan” yun lang nasagot ko ewan ko nga ba ang sarap naman kasi nitong lollipop.
“seriously Izu!” oo nga pala kung si zac ay zumi ang tawag sakin siya naman izu pero minsan lang dahil mga bata pa kami nung tinatawag niya nun.
“oo nga clyde” sagot ko naman sa kanya
Napalakas yata ang pagkasabi ko dahil may mga nahulog na mga tinidor sa sahig at makikita mo na nakanganga silang lahat napakunot noo ano mali sa sinabi ko? Tumingin ako sa mga kasama ko at what the heck sila din pero si dale nakangiti lang. Umubo ako ng kunwari para magising sila sa pagkakanganga
BINABASA MO ANG
My Brother and I (Editing)
Teen Fiction"Fall in love in a wrong person" Anong gagawin mo if what if ma inlove ka sa isang lalaki na akala mo na ok na ang lahat wala nang problema kumbaga perfect na ang lahat lahat. Pero hindi mo akalain na may dadating na magbabago sa buhay mo na ang ta...