Broken Ones. One

708 11 3
                                    

Broken Ones.

One.

Mikaela’s POV

Yung isang araw bigla ka na lang na matatawa na para kang wala sa sarili at ramdam mong ayos ka lang. Okay ka lang. Masaya ka lang. Siguro, nasasanay ka ng mag isa? Nasasanay ka ng mahalin yung sarili mo? Nasasanay ka ng ikaw lang yung nakakapagpasaya sa sarili mo.

Katatapos ko lang na mag online. Ansakit na nga ng mata ko. Ikaw kaya buong araw kaharap yung laptop mo. Blog dito, blog dun. At kung anu ano pa. ganyan lang yung routine ko araw araw, kapag walang pasok. Eh, simula na kasi ng sembreak namin. Pahinga na muna sa assignments at projects. Kaya heto. Kaka log out ko lang sa facebook. Magkikita daw kami ngayon ng barkada. Birthday nga kasi ni Jane. Kaya naman dali dali na akong nagpunta dun.

Nung sa pagdating ko dun, himala yata na andun na lahat at ako nalang yung hinihintay. Kaya naman nasa akin lahat ng atensyon.

“Nagbago ka na talaga Mikay. Dati rati, ikaw nauunang dumating sa mga gala. Ngayon, ikaw na yung huli.” Sabi sa akin ni Kiko

“Eh ano ngayon? Haha.” Sagot ko sa kanila at naupo na, saglit lang. kilala niyo na ba ako?

Sige na nga, ako nga pala si Mikaela Cereno. Tawagin niyo na ko sa kahit na anong pangalan, Mikay, Miks, Mika. Ayos nay an sa akin. Kahit ano lang. haha. Nasa pangatlong taon na ko ng napili kong kurso. BSEd bio po. And hopefully, gagraduate na next year. Kung hindi magpapakasal at mabubuntis. De joke. Haha. Pano mangyayari yun? Eh, wala nga kong boyfriend. Matagal na. tatlong taon na mahigit. Wag kayo mga dre! Uso yan ngayon. Haha.

Kasalukuyan kaming nagkakamustahan ngayon. Eh, sa busy yung mga schedule naming kaya minsanan lang na magkita. Magkaiba din kase kami ng mga napasukang school kaya halos di na talaga kami nagkikita.

Broken Ones.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon