Broken Ones. Twenty Two

119 0 0
                                    

Broken Ones.

©TheDramaQueen 

 Twenty Two

Natatawa ko kase inaasar namin si Sushi at Jayson sa Facebook. Andameng nag cocomment eh. Nag tetrend pa nga. Haha. Kami lang naman ni Mikael ang may pakana. Masaya yung nakikita mong hindi lang ikaw yung masaya, yung alam mo ding may iba pang taong nakakaramdam ng sayang nararamdaman mo. But in a different aspect, in their own ways.

Pero hindi pala sa lahat ng panahon masaya lang. Meron ding dadating na mga circumstances na magpapatigil sa mundo niyo and make you see that it wouldn't be always a happy day. You have to go through the worst to make things better.

Natawag sa akin si Jane. Natataranta.

"Teka nga lang Jane. Pwedeng dahan dahan? San ka ba kase ngayon??" tanong ko sa kanya

"Mikay, please. Mag online ka. Ngayon. Tas mg post ka ng announcement kung sinong may blood type  na B+. Si Miggyboy, nasa hospital. 50-50. Dengue. 30 nlng yung platelet count nya." sabi niyang ganun

"Ano? Pano nangyari yun?" sagot ko, si Miggyboy nga pala, highschool barkada namin sya. Siya yung parating kasama nina Jake at Jao pati na sina Jose. Kasama sya sa grupong bears. Kaklase din niya sina Miks ngayong college kaya in touch pdn kami sa kanya. Though, hindi na namin sya nakakasama most of the time kase maagang nagbunga yung pagmamahalan nila ni Nice. Pero hindi namin sya ikinahiya. Proud nga kami sa kanya kase pinanindigan niya yung nagawa niya eh. And we know, that someday, he will be one of the best engineers in town.

"Biglaan lang Miks. Nung isang araw, umabsent sya kase nilalagnat daw. Practical exam namin yun sa survey 2 na subject. Ts akala namin na okay na sya kase nga pumasok na kinabukasan. Kinahapunan ng July 25, naglaro pa daw sila nila Baba ng basketball. Kaso, nung nauwi, nabalik yung lagnat tas halos nanghihina na. Nung pagka 26th, nawala ulit yung lagnat kaso pag uwi ni Tita sa bahay nila kinagabihan, nakita niya nang nagsusuka na ts may rashes na. Kaya yun, sinugod na agad sa hospital. Miks, please, tulungan natin si Miggyboy. Si Nice. Hindi nila kaya to ng sila lang." sabi niyang ganun, agad ko naman na pinost yun sa group page namin. Nag txt nadin sa mga kakilala na baka pwede silang magdonate ng dugo na match kay Miggyboy.

"Anyare Miks?" tanong sa akin ni Mikael kase tineks ko siyang papunta kami ni Jao sa hospital. Andun nadin kase si Jane.

"Si Miggyboy. Nasa hospital. Dinengue." sabi ko naman sa kanya habang naghahanda na din para mapunta sa hospital kase andyan na si Jao

"Tetext kita maya Miks pagkagaling ko dun, for updates." sabi ko

"O sige2. Mag ingat ka." sabi niyang ganun

Pagdating namin dun sa room ni Miks, halos hindi na namin sya nakilala. Maputla. Payat. Naabutan namin si Tita na nakayuko dun sa hospital bed niya.

"Miggyboy." tawag namin, natingin naman sya sa amin tas parang naiiyak.

"O mga anak. Andito pala kayo." sabi naman ni Tita

"Kamusta na Migs?" tanong ko sa kanya

"Okay ka lang? Nangangalap na kami ng  bloodmatch mo. Gagaling ka din wag kang mag alala." sabing ganun ni Jane

"Salamat mga nak. Pwd bang dito na muna kayo? Aasikasuhin ko na muna yung mga gamot niya. Ayaw kase magpaiwan ng mag isa dito eh." sabi nyang ganun

"Migs, laban ka ha." sabing ganun ni Jao sa kanya, natango lang sya. Napansin din namin na nahihirapan na syang huminga. Natry na namin lahat ng herbal medicine sa kanya. Tawa tawa. Magic fruit. Papaya leaves. Durian. Kaso, walang tumatalab.

Buong gabi kaming andun at pinangakuan syang babalik kinabukasan for his fast recovery. Pero bago kami naalis, dumating si Miks.

"Pre! Bangon ka na dyan! May defense pa tayo sa Mech 2. Ano ba. Mangongopya pa ko sayo sa Plates." sabing ganun ni Miks, natawa naman kami. Kaso si Miggyboy sa akin natingin.

"Mikay, kmusta na? Alam ko sikreto nyong dalawa ni Miks." sabi niya kahit parang nahihirapan. Tas nagkatinginan kami ni Miks at natawa

"Ikaw, chismoso ka. Pagaling ka na nga." sagot ko naman sa kanya, nangiti lang sya at napikit uli yung mata kaya lumabas na kami sa kwarto niya.

"Mikay, bukas itetext ko sila na pumunta dito. Ikaw na bahala. Pagkatapos kong mag donate ng dugo para kay Miggyboy, diretso na ko sa dorm. Madami pa kong dapat tapusin na requirements sa school." sabing ganun ni Jao, sumang ayon lang ako at tumango. Nung nakapagpaalam na sya ng maayos kay Miggyboy at kay Tita natigil siya sa harap namin ni Miks.

"O? Di ka pa uuwi? Uwi na tayo." sabi niyang ganun

"Hmm. Sabay na kami ni Mikael Jao, out of way na din naman ako pag sayo ako sumabay eh."  sabi kong ganun

"Wag kang mag alala dre. Iingatan ko to." sabing ganun ni Miks sa kanya. Pero di sya sumagot at natango lang sabay tumalikod.

Ilang sandali pa, si Jane naman yung nagpaalam para umalis na. May dadaanan din daw sya kaya kailangan nya ng umalis. Kaya kami nlng ni Miks yung naiwan sa may Chapel ng hospital.

"Anlalim ng iniisip mo ah." sabi niyang ganun

"Natatakot ako Miks." sabi ko sa kanya sabay yuko

"Ano ka ba. Ba't ka natatakot?" tanong nya naman at parang nag alala bigla

"Baka kase may mangyare. Di man lang ako nakatulong. Match kami eh. Kaso, di ako pwedeng magdonate dahil na din sa medical condition ko. Gustong gusto ko syang tulungan." sabi kong ganun at naiiyak na

"Mikay. Nakatulong ka na. eto oh. Malaking bagay na yung nakita ka nya." sabi nyang ganun at hinawakan ako sa magkabilang balikat

"Pero kasi.." sagot ko pero pinigilan nya ko

"Tama na okay? Nakatulong ka na. Tsaka, gagaling si Miggyboy. Tiwala ka lang sa kanya." sabi nyang ganun at niyakap na ko.

Pagkatapos nun, umuwi na kame at maagang nagpahinga dahil na rin siguro sa stress at pagod. Pero bago ko matulog, nangiti muna ko sa txt message na galing kang Miks.

From: Engineer

Dear Bro,

Thank you po dahil sa araw na to. Thank you kase andyan ka. Thank you kase binigyan nyo padin kami ng chance na makita si Miggyboy. Bro, ikaw na bahala sa kanya. Pagalingin niyo po sya. At bigyan nyo ng lakas ang mga taong nagmamahal sa kanya. Bro, ang lahat ng ito ay alay namin sa inyo, Amen. PS. Maswerte padin si Miggyboy dahil may Mikay na kaibigan syang nagmamahal ng sobra sa kanya. Maswerte din ako Bro.

Tulog na tayo Miks? GoodNight. Pahinga ka ng mabuti.

--------------------------------------------------------------------------

Read.Vote and Be Inspired.

Broken Ones.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon