Broken Ones. Twenty One

125 0 0
                                    

Broken Ones.

©TheDramaQueen 

 Twenty One

Kasali sa mga dasal ko si Dindi. Na sana, isang araw, magising na lang syang nakalimutan niya na yung ex boyfriend nyang walangya. Na sana, maging bukas na sya sa ibang taong kayang mahalin sya ng higit pa kay Kim. Alam ko darating din tayo dyan. Basta ba, magtiwala lang kay Bro.

It was about a month ago after the Holiday vacation. At andami ng nangyari. Si Jamin at James may something na pala. Si Jayson John at Sushi, nagkakamabutihan na din. Ang masaya pa, si Jas at Sushi parehas kong kaibigan. Ts si Jayson John at James naman, mga tropa ni Miks. Eh akalain mo bang yung mga future educators makakaparehas pala ng mga future engineers. Edi ang saya.

Nasa mall kami nun ng napansin kong ngingiti ngiti naman tong si Sushi habang nagtetext.

"Huy. Baliw ka na?" tanong ko sa kanya sabay batok

"Aray! Wag ka nga dyan Miks!" sabi niyang ganun

"Anong problema mo? Ba't nakangiti ka habang nagtetext? Sino ba yan?" pilit ko naman na sinisilip kung sino yung gagong lalakeng katext niya.

"Che! Mind Your Own Business!" sabi niyang ganun sabay talikod, pero hindi pa din maalis yung ngiti sa mukha niya

"Si Jayson ba yan?" pang aasar ko, hindi sya sumagot pero mas lumaki yung ngiti niya

"Aha! Si Jayson nga! Hahahahaha. Nakoooooooooooooooo! Ano, inlab ka na?" tanong ko naman sa kanya

"ANONG INLAB NA NAMAN YAN MIKS? Haha. Magka txt lang, inlab agad?" tanong niya din sa akin

"Haha. Pwedeeeeeeeee!" sabi ko at inaasar sya lalo

"Mukha mo! Wag nyo kaming igaya sa inyo ni Miks noh!" sabi niya ulit natahimik naman ako

"Pwe! Haha. " sagot ko sa kanya

"Ikaw? Masabe lang yung pangalang Miks ansaya mo agad noh? Wow ha. Hiyang hiya ako sayo." sabi niyang ganun and I smiled. Sincerely. Totoo naman kase, marinig ko lang pangalan ni Miks parang masaya na agad.

"Alam mo bestbud. Masaya ako para sayo. Kase finally, nakikita kitang totoong masaya. Hindi yung sayang nanggagaling sa amin. Pero masaya ako kase nahanap mo na din yung isang taong ginagawa kang baliw sa kakasmile ng buong araw na wala man lang dahilan. You deserve all the happiness." sabi niyang ganun.

"Anong meron kay Jayson? Ba't pag sya kausap mo ansaya mo?" seryosong tanong ko sa kanya

"Hindi ko alam. Naiisip ko din yan minsan eh. Kaso, wala akong makitang sagot. Si Nilo naman at Psyche, may mga pagkakaparehas. Si Jayson kahit isa, wala talaga. Iba sya. Kaya siguro gustong gusto ko yung atake ng nararamdaman ko pag andyan sya." sabi niyang ganun

"Eh, ganun din naman yung tanaw mo kay Miks dba?" tanong nya ulit

"He was everything opposite of what I wanted." sabi ko and smiled

"Kaso, siya yung nagpapasaya sayo."

 -----

Read. Vote and Be inspired.

Broken Ones.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon