Broken Ones. Fifteen

188 2 2
                                    

Broken Ones.

Fifteen.

Naging maayos na ang lahat simula nun. Hindi man kami araw araw na nagkakatxt but still we make it a point na makamusta ang bawat isa. Kahit pareho kaming busy at pagod sa school, ayos lang. Basta, okay kami.

One time nun, nauwi ako sa amin kaya nagala kami dun sa bahay nila Miles. Habang nagkakasiyahan ang lahat, biglang lumapit sa akin si Jane.

"Miks. Kamusta na kayo?" tanong niya

"Ayos lang Jane. Masaya." sagot ko naman and smiled

"Panong masaya?" tanong niya ulit

"Masaya kasi andyan sya. Masaya kase di ako nag iisa. Masaya kasi ang gaan lang ng lahat ng bagay pag kasama sya?" sagot ko naman

"Aba eh, masaya ka nga talaga." sabat naman ni Dindi

"Pero Mikay, may favor sana akong hihinhin sayo." sabing ganun ni Jane, akala ko naman na kung anong simpleng favor lang yun kaya agad akong pumayag.

"Sige ba. Basta ba kaya kong gawin, walang problema."

"Mikay, please. Wag kang ma-fall sa kanya." seryosong sabi niya sa akin. Kami naman ni Dindi nagkatinginan. Tapos yung feeling ko, para bang nabingi ng pansamantala. As far as I can remember, si Jane yung gustong gusto kaming I team up. Anong nangyari?

Broken Ones.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon