Broken Ones.
©TheDramaQueen
Twenty Three
Kinabukasan, kaming dalawa ni Jane ang nauna sa hospital kasama sina Kelvin. Yung college bestfriend ni Miggyboy at barkada ni Miks. Dumiretso kami sa kwarto ni Miggyboy pero wala sya dun. Naabutan namin si Nice sa labas ng kwarto na parang naiiyak at hindi makapagsalita.
"Nice, san si Migs?" tanong ni Kelvin
"Itatransfer ng ICU kel. 16 nlng yung platelet count nya. Nagstart nang mag complicate yung sugar nya kaya delikado na. Kailangan na ng close monitoring." sabi nyang ganun, ako naman at si Jane, hindi makapagsalita. Parang kahapon lang na nakausap pa namin sya. Tsk. Natawag naman agad ako kay Jao and told him the bad news. Yung akala kong sya yung pinakamalakas samin, sya pa yung unang unang umiyak dahil sa mga nangyayare.
"Kaya natin to Jao. Tutulungan natin sya." sabi ko sa kanya, few minutes after, nadatnan namin si Miggyboy dun sa kwarto at inaayos na sya para itransfer sa ICU. Habang nasilip naman kami sa kanya, parang dinudurog yu ng puso ko sa nakikita ko. Nahihirapan na sya. Halatang nahihirapan na sya. But instead of trying hard to be strong, narinig ko pang may sinabi sya kay Nice.
"Be, uwi na tayo. Ansakit na. Uwi na tayo be. Ayoko na dito." sabi nyang ganun kaya nalabas na ko at hindi na mapigilang umiyak. Ilang sandali pa, natawag si Miks.
"Kamusta na Mikay?" tanong niya, hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. But I kept still because I can't help myself from crying.
"Umiiyak ka? Bakit?" tanong nya
"Ia-ICU na si Miggyboy." yun lang yung nasabi ko at naputol na agad yung tawag. Ilang sandali, habang naupo ako dun sa loob ng chapel habang mataimtim na nagdasal, naramdaman ko nalang na may nahawak na ng kamay ko na sobrang higpit. Nung pagkatingin ko, si Mikael pala. Kaya hindi ko na napigilang umiyak habang yakap yakap nya na ko.
“Psh. Tahan na. andito na ko. Pagdadasal natin si Miggyboy. Gagaling sya. Tama na please. Wag ka ng umiyak.” Sabi niya sa akin habang yakap padin ako. Pumunta pala agad si Miks dito kasama ibang kaklase nila. We prayed. We hoped for a miracle coming.
Pero kahit anong gawin namin, wala ng pag asa. July 31, 2013, preliminary exams namin, papunta na kong school ng natawag si Mikael sa akin. Trying to tell something but his voice breaks into tears.
"Mikay. Si Miks." yun lang yung sabi nya and I sat immediately. Gathering strength. Pagtingin ko sa messages sa phone, isang txt ni Sushi at Jao yung nabasa ko.
"He's gone. Miggyboy's gone." and then I started to cry.
Maybe, God had better plans for the remains of Miggyboy. Maybe the miracle we hoped for was converted into another miracle. And that is to remind us that He was just their. He wanted us to unite. And to see the brighter side of the world.
Hindi ko alam kung pano ko nalagpasan yun pero alam kong isa si Mikael sa mga taong pinagkunan ko ng lakas.
It was a life changing moment. But one thing that is best dun sa wake ni Migs? I saw faces, old faces of friends in which matagal ko ng hindi nakita. We were reunited once again. Friendship that slowly drifted apart were luckily drifted back. Saw Kelvin dun sa isang corner hiding his pains inside. Minsan napapabuntong hinga at napipikit nlng. Minsan din, nahuhuli ko syang nagpupunas ng luha. One time din, I was curious why Migs' college classmates weren’t around during the service, and found out na nag inuman pala. Hindi lang kami ang nasasaktan. Madami. Sa Last service na ginawa ng family kay Miggyboy, isa ako sa napiling magsalita ng tungkol sa kanya. And I know, that the words I say, will make their way to Miggyboy's heart.