Broken Ones.
Nineteen.
Nasa mall kami nun ni Miks kase walang magawa when we decided to play random questions. Naharap kami sa isa't isa and pulled out questions that we wanted to know the answers.
"Love over friendship? O friendship over love?" tanong ko sa kanya
"Friendship over love." sagot nya naman
"Naaaah. Ako, love over friendship." sabi ko naman sa kanya
"Bakit?" tanong niya
"Kase, mahirap yung nagmamahal ka ng hindi mo masabi sabi. Dba ganun yun? Pag nainlove ka sa kaibigan mo, iisipin mong mas mahalaga yung friendship niyo? Kaya you refuse to tell the other of what you feel para masave yung 'friendship'. Pero, yung totoo, hindi naman talaga masasave yun. Mas lalala lang yung sitwasyon. Kaya mas mabuti pang unahin yung love, malay mo, mutual pala yung feelings. O kung hindi man, pasasaan ba't may magbabago pero magiging normal na din naman yung lahat sa paglipas ng panahon eh." pag eexplain ko
"Kagaya nung sa inyo ni Jao?" tanong niya, I just smiled.
"Real score between you and Jao. My turn to ask." sabi niya
"Bestfriends." sure na sagot ko
"Greatest fear." sabi ko naman sa kanya
"Mainlove?" sagot nya. Mainlove. Ahh okay.
"Bakit?" tanong ko naman
"Wala. After Zharm? Haha. Time out na muna. Masakit eh." sagot niya
"Eh kailan ka maiinlove ulit?" tanong ko ulit
"Pag ready na ko." sagot niya
"Kailan ka magiging ready?"
"Hindi ko alam. Aish. Ikaw ba. Masaya ka ngayon?" tanong niya naman
"OO."
"Sinong nagpapasaya sayo?"
"Madami."
"Sino sino?"
"Si Trick tsaka si Ellie. Si Daniel Padilla. Family. Friends." sagot ko
"Sino pa?"
"La na kong maisip." sabi ko tas nakita ko syang nag pout
"Me kilala akong nagpapasaya sa akin kaso ayaw kong sabihin sa kanya baka asarin ako."
"Inlove ka na sa kanya?"
"Gusto ko na sana eh. Kaso…"
"Kaso ano?"
"Hindi pa daw sya ready. Hindi niya din alam kung hanggang kailan sya magiging ready." sabi ko sa kanya and looked away, I sighed. Wala na din naman syang nadugtong.
"Lika na, uwi na tayo." sabi ko and stood up
"Si Richie? Dba gusto mo sya?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami
"Pano mo ba masasabing gusto mo na ang isang tao?" pabalik ko naman tanong, pero hindi siya sumagot
"Hindi ko alam eh. Naguguluhan ako." sabi ko sa kanya
"Pano kung sabihin nya sayong gusto ka din nya?" tanong nya ulit sa akin
"Kung ako ikaw? Tas sabihin nya saking me gusto sya? Anong bang dapat kong ma feel?" tanong ko din sa kanya
"Magiging masaya." sabi niya naman pero hindi nakatingin sa akin. After nung conversation namin na yun, naging tahimik ako. Si Miks naman, salita lang ng salita kahit alam niyang hindi ako nakikinig. Akala ko, hahatid niya na ko sa bahay. Pero sa kanila pala kami dumiretso.
"Mikaaaaaay! Merry Christmas!" sabi ni tita sabay beso sa akin
"Merry Christmas din po." sabi ko naman
"O? dito ka magpapasko?" tanong niya naman
"Naku. Hindi po. Nadaan lang ako. Tsaka, ibibigay ko din tong regalo ko para sa inyo." sabi kong ganun kay Tita at inabot yung regalo
"Naku. Nag abala ka pa. pero, salamat. Dito ka na sana mag celebrate. Para may kasama si Miks." sabi niyang ganun
"Bakit po? Aalis kayo?" tanong ko sa kanya sabay lingon kay Miks
"Oo. Paalis na nga sana kami eh. Kasama naman talaga tong si Miks sa plano kaso ayaw papilit eh. Dito lang daw sya." sagot niya naman
"Uy Miks. Ang KJ mo talaga. Sama ka kaya sa kanila. Family affair pa din naman to. Sayang." sabi kong ganun sa kanya
"Psh. Sinong makikita ko dun? Yung mga perfectionist kong tito? Na walang ibang inatupag kundi yung busyng career nila? Wag na. dito nalang ako. Sanay na din naman akong mag isa eh." sabi niyang ganun at tinabihan si Jorros sa paglalaro ng NBA 2k12
"Kitams Mikay. Tigas ulo nyan." sabing ganun naman ni Tita. Si tito naman, abala sa pag aayos ng gamit nila sa compartment ng kotse. Parang sila lahat excited, maliban lang talaga kay Miks. Psh. Nung nilapitan ko na sya at sinabing uuwi na ko para makaalis na din sina Tita, ansabe niya ihahatid nya daw ako. Pumayag na din naman ako.
"Miks. Behave ka sa bahay nyo ah. Wala ka pa namang kasama dun." sabi ko sa kanya habang nakaangkas sa motor niya
"Ano bang gagawin ko dun? Itutulog ko na lang tong araw na to." sagot niya naman
"Ikaw bahala. Ang sabi ko lang naman eh mag behave ka." sabi ko sa kanya
"Oo na po. Mag bebehave na. psh. To naman." sagot niya, hindi na din naman ako nakaangal, maya maya nasa tapat na kami ng bahay.
"Ge na, bye." sabi ko sa kanya, tumango lang sya
"Huy, merry Christmas." dagdag ko
"Sorry Mikay. Wala akong regalo eh. Hindi ako naghanap. Wala akong mahanap." sabi nyang ganun
"Ayos lang ah. Maging safe ka lang, kahit ngayong araw lang. yun na yung regalo mo sakin." sabi ko sa kanya and smiled, ts he took a step closer to me.
"Merry Christmas Miks." sabi nya and hugged me, ako naman, i just smiled and embraced the moment.
---------------------------
Note 101:
Nung panahong yun, hindi ko na naisip na humingi nga material na bagay kay Bro. Kase, yung totoo, kay Miks pa lang, kotang kota na ko. Masaya. I think it was one of the best Christmas of my life. <3