Broken Ones. Ten

358 3 8
                                    

Broken Ones.

Ten.

(c) TheDramaQueen

Pagkauwi ko sa bahay nun, mahabang paliwanagan pa ang nangyari kung ba't di ako nakauwi. Saktong dumating pa si daddy.

"San ka ba kase galing?" tanong ni ate sa akin

"Kila Miks nga ate. Nilalagnat kase. Hindi ko naman maiwan kase walang kasama." sabi ko sabay higa na rin sa kama. Kailangan kong matulog.

"Ewan ko sa inyo Mikay. Basta ba isang araw di ka iiyak ng dahil dyan ah."

sabi niya pang ganun

Hindi ko na lang pinansin. Maya maya, nagtxt na din si Miks.

From: Engineer

 

Pst. Tulog ka ulit. Di ka nakatulog ng maayos eh.

 

 

To: Engineer

 

Oo nga po. Ikaw din. :)

 

 

From: Engineer

 

Sige. Sabay tayo. Pahinga ka na ah? Ge na. Pikit na mata.

 

 

Ilang minuto ko ding pinikit yung mata ko pero walang nangyayari. Hindi talaga ako makatulog. Naiiyak na ko. Hoy! Anuba!

"Mikay! Ano ba!" reklamo ni ate na nakahilata sa kabilang kama at nagbabasa. Napansin niya rin kasing kanina pa ko di mapakali.

"Eh ate. Di ako makatulog! Tas kinakabahan pa ko." sabi ko sa kanya

"Hay naku Mikay. Ganyan yan pag inlove!" sabi niya pa

"Ate! Mahiya ka nga sa sinasabi mo?" sabi ko sa kanya sabay bato ng unan

"Bakit ba? Totoo naman ah." sabi niya

"Che! Manahimik ka. Magbasa ka na nga lang dyan!" sabi ko sa kanya sabay talikod tapos kinuha yung phone ko at nagtxt.

To: Engineer

Di ako makatulog. :(

 

 

From: Engineer

 

 Ako nga din eh. Nahiga ka na?

To: Engineer

Opo. Kanina pa. Gustong gusto ko na ngang matulog eh. Kaso, di talaga.

From: Engineer

Inom ka muna ng gatas. Tapos relax. Wag ka munang mag isip. Now. Close your eyes.

To: Engineer

Tatry ko.  :(

From: Engineer

Effective yan. Cge na. Nainom na din ako ng gatas. Para sabay talaga tayong makatulog.

To: Engineer

Opo. Cge po.

Ilang txtmsgs pa ang nagpapalit palit hanggang sa parehas na nga kaming makaramdam ng antok at sabay na ngang nakatulog. Pero bago ako nakatulog, nangiti na muna ako kase ramdam na ramdam ko lang na ang saya ko. Nandun padin yung kaba, pero yung kabang masaya naman. :)

------------------------

Sabaw. Haha. Hayaan na muna. Sorry. Late update. Busy masyado sa school eh.

Alamyu bebe's!

Broken Ones.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon