Broken Ones.
Eleven
(c)TheDramaQueen
-------------------------------
"Even the best fall down sometimes, even the wrong word seemed to rhyme.”
love is a wonderful feeling. Sabi nga nila. Parang sinisimulan ko ng maniwala dun ah. Masaya din pala. Lalo na pag alam mong may ibang taong nag aalaga at nag aalala para sayo. Yung pagkagising mo sa umaga, may magtetxt at tatawag sayo para siguraduhing magiging maganda ang buong araw mo. Yung tuwing meal time, may magtatanong sayo kung kumain ka na ba, yung pag tahimik ka, tatanungin ka kung okay ka lang ba, at kung ano ang problema. Yung pag masaya ka, alam mong may masaya din para sayo. Pag nagabi na, may magtatanong sayo kung nauwi ka na ba,. At yung kahit di mo sinasabing kailangan mo sya, bigla na lang syang dadating para lang maging okay ka.
Ganyang ganyan si Miks sa akin. Ngayon, pano ko pa pipigilan yung sarili kong hindi magkagusto sa kanya? Diba?
Lunes ng umagang umaga nun, mga 5am. Naghahanda na ako para umalis papuntang dorm. Bags are packed. Kumakain na lang at hinihintay si papa para ihatid ako sa sakayan ng bus ng bigla akong tinawag ni ate.
“Mikay, parang andyan na yung sundo mo sa labas.” Sabi niya sa akin na halatang kinikilig kahit antok na antok pa. si mama naman, nasilip sa labas.
“Sige na nak. Alis na. baka malate ka. Wag na natin gisingin si papa mo, alam niyo naman yun.” Sabi niya sa akin. Ako naman yung nagmamadaling lumabas ng bahay at tiningnan kung sino yung andun. Pagkalabas ko, nakita ko si Miks. Na halatang bagong gising lang kase yung mata, napipikit pa.