Broken Ones. Twelve

251 5 3
                                    

Broken Ones.

Twelve

Nasa school ako nun, habang busy ang lahat sa paghahanda para sa university wide intramurals, heto ako. Panay updae lang ako sa takbo ng events. Hindi naman kasi ako kasali. Wala akong alam sa mga ganyan. Pasensya na po. Wala akong talent. Bukod sa may pangbanyo akong boses, panay pagsusulat lang yung alam ko. Nakaupo ako nun sa harap ng ne ehnic dancers ng biglang naawag si Miks.

“Mikay?Kamusta?” o dba? Di man lang ako pinagsalita?

“Ayos lang Miks. Ikaw?” sagot ko naman

“Busy pa din. Pero, hmm. Okay lang.” sabi niyang ganun

“ba’t natawag ka?” tanong ko naman sa kanya

“To naman. Natawag lang. hindi na kaya tayo nakakapag usap.”sabi niya habang naiimagine ko siyang nagpapacute

“Aysus. O sige na. I miss you too.” sabi ko naman sa kanya. Narinig ko siyang natawa sa kabilang linya.

“Makapal ka dre.” Sabi niya  na natatawa pa din

“Totoo naman ah.” Sagot ko ulit. Natahimik siya na parang bumubuntong hininga sa kabilang linya

“Uy Mikael. Okay ka lang?” tanong ko sa kanya

“Okay lang. pagod lang talaga.”

“Natutuog ka pa?”

“Nah.” Sagot niya. Langya talaga.

“Ano bay an Miks. Matulog ka naman. Psh. Tingin mo sa sarili mo? Robot?”

“Okay lang naman talaga ako Mikay eh. Yung puso ko lang talaga ang hindi.” Sabi niya na halatang halata na malungkot

“Hahay Miks. Si Zharm ulit?” tanong ko

“Ang saya na niya. Nakita ko siya sa school kanina, lalapitan ko sana kaso naisip ko yung ma sinabi mo.” Sabi niya, hindi ako nag rereact. Nakikinig lang ako. I’m trying to figure things out on my own. Kung tama pa ba yung nararamdaman ni Miks.

“Mahal ko padin siya Mikay eh. Kahit alam kong mali na. kahit ayaw ko na.” pagkasabi nyang ganun, hindi ko alam kung anong meron at arang naaaktan ako.

“Hanggang kailan ka magiging ganyan?” tanong ko sa kanya, hindi naman sya makasagot

“Kahit siguro anong gawin ko Miks. Di ko pa din mapigilan yang nararamdaman mo.” Sabi ko ulit. Hindi na din naman siya nagsasalita kaya in.end call ko na.

Yung akala nilang ako na ang pinakamasayang babae dahil sa kung anong meron ako ngayon? Psh. Kalokohan.

“Problema mo Mikay?” tanong ni Marie sa akin na umupo na din sa tabi ko.

“Si Miks. Nakakainis.” Sagot ko at yumuko

“Klaruhin mo kase. Mahal mo na noh?” tanong niya

“Hindi naman sa ganun Marie. Basta. Naiinis ako. Naiinis ako kay Zharm. Sa kanya. Sa sarili ko.” Sabi ko

“Natural lang naman na mainis ka eh. Ikaw ba naman magpigil sa sarili mong maramdaman ang pagiging masaya? Di ka maiinis?” tanong niya, tumahimik lang din naman ako

“Mikaw, alam mo? Uso magsabi ng totoo. Kayong dalawa ni Miks, magpakatotoo nga kayo! Maybe he was just blinded by love. Or his past. And maybe you were just blinded by the fact na ayaw mo ng mainlove ulit. Kaya kayo nahihirapan. Kaya ka nahihirapan.”

 

 

 

“Nah. Ewan. Hindi ko alam.” Sagot ko naman

“Pano mo nga malalaman? Ganto ah. Alamin mo muna kung anong lugar mo sa buhay niya, para alam mo kung san ka tatayo, at kung kailan ka na pwedeng umalis at mawawala na.” sabi niya sa akin

“Pano kung wala naman talaga akong lugar?” tanong ko

“Edi wala. Time out na. hindi pa naman siguro masyadong huli para bumack out dba? Unless, inlove ka na? naku. Mahirap yan.” Sabi niya pa sabay pailing iling

Lubos kong pinag isipan yung convo naming ni Marie. And my thoughts ended up flying. Txt ng txt si Miks sa akin. Tawag ng tawag. Ayaw kong sagutin. Hindi ko din naman alam sasabihin ko. Kung mawawala ba kase ako, hahanapin niya rin ako? Kung lalayuan ko ba siya, magiging malungkot siya? Sana pala hindi nalang ako nagpapilit nun na pumasok siya sa buhay ko.

Sana pala sa simula pa lang, umayaw na ko sa gusto ng puso at isip ko.

-----------------------------

Bebe's. Sorry talaga ah. Super late na ng updates. :(

Busy sa school. Tapos, may mga errands na hindi ko expect. Hahay. Sorry talaga. I miss you. :*

Broken Ones.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon