Broken Ones. Twenty Six

92 0 0
                                    

Broken Ones.

©TheDramaQueen 

 Twenty Six

"Nagseselos ako."

Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil biglang natawag na si mama at pinapauwi na ko, dis oras na din ng gabe. Kaya feeling ko, hanging pa din lahat. Kinabukasan nun, nagtxt si Miks na out of town sya dahil sa survey 2 nila na subject.

From: Engineer

Miks. Out of Town kami. Kaya kung may kailangan ka, magtxt ka. Okay? Ingat.

Ako:

Okay. Ty. Ingat.

Buong araw din akong busy. Now, things are slowly getting better. Not until the evening came, it was about 1am when I was about to sleep, ng natawag si Miks sa akin.

"Mikay?" sounding drunk

"O? san ka? Nkauwi ka na?" tanong ko

"Kamusta?" tanong nya instead of answering my question

"Mikael? Lasing ka na naman?" tanong ko

"Nainom lang konti. Pero wala to. Papahinga na din, kase ako yung mag da drive kila Kelvin." sabi nyang ganun

"O ba't ka natawag? Uwi ka na nga. Tsk. Lasinggero ka talaga." sabi ko sa kanya

"Mikay, may tanong ako." sabi niya not minding the words I just said

"Mikay, nagseselos ka?" tanong nya, I was caught off guard. Alam ko din na seryoso sya dun sa tanong nya. Halata din na naiwas sya sa mga kaibigan nya kase hindi na maingay dun sa background.

"oo." sabi ko sa kanya

"Bakit? Saan? Kanino?" sunod sunod nyang tanong

"Pictures. Tanungin mo yung pictures." sagot ko sa kanya

"Ha? Ba't ka magseselos dun?" tanong nya

"Ang saya mo kayang tingnan dun. And I was so scared na mawala ka. I was so hurt nung malaman kong habang ako nahihirapan, ikaw okay lang at may iba pang masaya na kasama ka." sabi ko sa kanya

"Ano ka ba. Wala lang yun." sabi nyang ganun. Di ko sinagot

"Anong gusto mo? Ligawan kita? Maging tayo na? ano Miks? Yan gusto mo?" sabi nyang ganun

"Psh. Mikael. Lasing ka. Matulog ka na. inaantok na din ako." sabi kong ganun and ended the call

Hindi ko na lang din pinansin yung sinabi ni Miks sa akin. But right at that moment, before I ended the call, I knew that he let out a sigh. Kaso, di din naman ako mapakalin eh kaya I gave it a shot to call him. Kaso, si Kelvin yung nasagot.

"O Mikay?" tanong nya

"San si Miks?" tanong ko

"Eto na. pabalik na. may kinuha lang sa kotse." sabi nyang ganun

"Kala ko matutulog ka na?" tanong ni Miks sa akin

"Pano Miks pag di nagka chance na magkakilala tayo?" tanong ko agad sa kanya, I wanted answers. I wanted a peace of mind.

"Kulang. Madaming kulang."

Broken Ones.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon