Broken Ones. Eight

365 4 6
                                    

Broken Ones.

Eight.

 (c) TheDramaQueen

After ng yakapan scene namin ni Miks, pinauwi ko na siya, eh di pa sana uuwi eh. Buti na lang nadala sa sapilitan.

“Uwi na! Chu! Sayang gandang lalake mo bregs kung puro eyebags naman mukha mo!” haha. Asar ko sa kanya habang tinutulak sya

“Sauce. Hayaan na yang eyebags. Gustong gusto mo naman yan.” Eh? Haha. Tingnan mo to. Anlakas maka i love you sa sarili noh? Hanggang sa nauwi na rin sya. Haaaaaaaaaaay. Love? Masaya kaya yun?

Kinabukasan, tanghali na kong nagising. Andami dami ng messages galing kung kani kanino. Ang pinakamatindi, may nagtxt na unregistered number at nanay daw sya ni Miks.

From: 0909*******

Nak. Si Mikay to? Mama to ni Miks. Pwedeng pakisamahan na muna sya sa hospital? Please nak. Nasa office pa kase ako eh. Tapos si Miks antaas ng lagnat. Salamat nak. Kaw na bahala sa kanya ah.”

 

 

Hala. Kaya pala di nagtetxt yun sa akin ngayon. Kaya naman tinawagan ko na agad si Miks at kinumusta.

“hello?”

“Miks. Natawag ka?” painosenteng tanong niya

“Ayos ka lang? Nagtxt kase mama mo. Ansabe samahan nga daw kita.” Sabi ko sa kanya

“Uy wag na. Dba may lakad ka ngayon? Wag na talaga Miks.” Sabi niya na pilit pading tumatangging samahan ko sya

“Eh ang init mo nga kasi daw eh.” Sabi ko naman sa kanya na halatang nag aalala na.

“Kaya pa naman. Ge na. Wag mo na kong isipin. Kaya ko to.”

“Sigurado ka Miks?? Pwede pa naman kitang puntahan eh.” Pagsasuggest ko sa kanya

“Sige nga. Pupuntahan mo ko? Eh pano si Jao? Dba ngayon yung celebration ng birthday nya?” tanong nya naman, tas di ako nakasagot.

“See? Kaya ko to. Ge na. Puntahan mo na sila. Mag ingat ka. Bye.”

 

 

Binaba na nga nya yung tawag. Nakokonsensya tuloy ako. Halata kasi masyado sa boses nya na may sakit. Kaya tinxt ko ulit siya.

Broken Ones.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon