Broken Ones. Twenty Seven

100 0 0
                                    

Broken Ones.

©TheDramaQueen 

 Twenty Seven

Last night, I got the courage to ask him if he regretted us. "There are things I'd miss and I missed." sabi niya. "But if I didn't have you, I'd miss more."

After nung conversation namin kagabi, hindi ko alam kung pano kakausapin si Miks. Pero, as we talked, parang wala lang nangyari. Parang wala lang syang nasabi. Parang kisapmatang kinalimutan nya na lang yun lahat. Nasa loob kami ng McDonalds at tinatapos yung mga requirements ko. Hindi kami nagsasalita pero andun kami. Nakaupo, magkatabi.

It scares me how to remember life before him. I can't even make comparisons anymore because my memories of that time have all the depth of a photograph. It seems foolish to play games of better and worse. It's simply a matter of is and is no longer.

Kahit isang salita tungkol dun sa selos-selos something, wala na kong narinig kay Miks. Siguro, dapat na nga talaga namin na kalimutan yun. And find out that this is all worth it.

"Mikay. Okay na kayo ni Miks?" tanong sakin ni Sushi nung samahan nya kong bumili ng books sa bookshop. Tumango lang ako.

"Uh-uhm. Ayos lang." sabi ko

"Sigurado?" tanong nya ulit

"oo naman. Ano ka ba." sagot ko ulit

"Pano nga kung isang araw mahanap nya na yung hinahanap niya Miks? Pano kung hindi pala talaga kayo?" tanong nya ulit

"Kung mahanap niya yun? Syempre magsisinungaling ako kung sasabihin kong magiging masaya ako para sa kanya. Eh kase, parte na sya ng buhay at pagkatao ko eh. Halos sya na yung isang piece ng puzzle na kumukumpleto sa akin." sabi kong ganun

"Pero I'll pray na sana sya na. Masaya ka sa kanya eh." sabing ganun ni Sushi.

Pagkadating ko sa bahay, I pondered every question Sushi had asked me. And found myself writing something. Ganyan yung ginagawa ko, pag di ko masabi yung buong nararamdaman ko, sinusulat ko na lahat. I logged in sa FB and posted a note.

Mikay Cereno posted a Note a few seconds ago.

Kuntento Na Ko Sayo.

I don't care if not even a single soul reads this post. I just want to pull this out anyway. Thanks. ---

-------------------------------------------------------

Hindi ko alam kung last na to. Pero, gusto ko lang talagang ilabas. Ambigat na eh. Alam ko, nasabi ko nang nagseselos ako. Pero kase, ah basta.

Screwed.

One day, you'll meet someone. You two will get close. Too close. Tapos, you'll jump into something more serious than being just friends. Pero, hindi kayo. Take note, walang 'kayo' kase hindi kayo. As simple as that. And it sucks when you find a nice guy who truly cares about you, but deep down, you still want that asshole who you just met. And then one day, masasabi mo na lang na ayaw mo na. Hindi dahil wala ka nang nararamdaman pero ayaw mo na kase hindi mo na kaya.  

Di mo na kaya. Hindi ko na kaya.  Hindi ko na gusto yung feeling na sobrang nagseselos na ko. Yung grabeng selos na. Yung feeling na hindi ko man lang nasabi sayo na naiinis na ko. Tas hindi kita maaway o masisi kase alam ko naman na wala kong karapatan. Or wala ako sa posisyon para awayin ka. Hindi ko na kaya na pinariringgan na lang kita lage. Hindi ko na kaya kae alam ko namang wala kang obligasyon sa akin o dito sa nararamdaman ko.

Kulang. Minsan, kulang yung bago tayo matulog, pagkatapos ng late night conversation, gusto ko sanang imbes na goodnight, sa I love you's naten tapusin yung gabing magkausap o magkasama tayo. Tas sisimulan natin yung araw na imbes na mag-ingat ka, sasabihan mo ko ng mag iingat ako para sayo. Pero hindi eh. Hindi ganun kadali. Di tayo ganun kalinaw.

Happy. Happy naman talaga.. No questions 'bout that. I'm luckier than anyone. Kase andyan ka. Kase kung wala ka, kung di ka dumating, di ako ganto ngayon. I wouldn't be talking about all of this now. When you came, i'm happier. It's much happier. Thank you for being my Mr. Brightside.

Gusto ko ako lang. Kahit alam kong sobrang labo. Kahit alam kong imposible. Lalake ka. Nasayo na ang lahat. Kitams? Ako nga amaze na amaze sayo sa taas ng standards ko sa isang lalake, sila pa kaya? May nagkakagusto sayo. May magkakagusto sayo. Sino ba naman ako kumpara sa kanila? Haaay! Pero duy, ako, lika dito. Buong buo ako para sayo. Bibigyan kita ng masarap na yakap ng maramdaman mo naman na andito lang ako. Na hindi kita iiwan. So you'll feel that it had always been you between you and Conrad.

Kaso di ka pa ready. ''Di pa ko ready'. Kailan ka ba magiging ready?

You're scared. Di sa love. Or not because of what you have gone through. Or sa sakit na naramdaman mo. Honestly speaking, you're scared of facing the fact na kaya mo nang magmahal ulit. Na gusto mo na din ako. You're scared because you know that you wanted me too.

I don't know if you could still remember this, pero, Dba, sabi ko sayo na natatakot akong pag di pa tayo tumigil baka mahalin na kita? Hindi ka nawala. You were always there. Sorry. Sorry kung nagkakaganto ako. Sorry. Alam ko, alala ko pa nung sabi mong wlang dapat ipagselos, sorry pero di ko mapigilan. Natatakot ako, na baka dumating yung isang araw na malaman ko yung katotohanan na hindi pala talaga ako. O hindi pala ikaw. Or hindi pala talaga tayo. 

Natatakot ako kase para sakin ikaw na.

Kuntento na ko sayo. :(

Labidabs,

Mikay 

143 likes - 50 comments

Woah. Pag-ibig nga naman! -Sushi

Duy, ikaw na. - Kiko

Love you duuuuy! Kaya mo yan! -Miles

Idol. -Kelvin

Edi kung ako si Miks, asa ka pang pakakawalan kita. -Iman

Yun naman pala talaga. Nagseselos naman pala talaga eh. -James

Malandeeeeeeeee! -Rell

Hala Miks oh. -Jayson

Tag na kay Mikael yaaaaaan! -Jane

Subukan mo lang. -Mikay

Kainggit noh? Sweet ni Mikay ah. -Baba

Sana isang araw, magka chance na mabasa mo din to. Kahit alam kong anlabo. Pero atleast nailabas ko. Nasabi ko.

 -------------------------------------

Feel this moment. Lapit nang mag end. Huraaaaaaaaaaay!

Broken Ones.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon