Broken Ones. Nine

352 4 6
                                    

Broken Ones.

Nine.

(c)TheDramaQueen

“Kapit ka lang sa akin. Hindi kita bibitawan.”

Yan yung sabi ko sa kanya. Nalulungkot. Nasasaktan. Naiiyak. Yan yung nararamdaman ko ngayon. Kaso, kelangan kong pigilan. Pano pa sya magiging malakas nyan kung ako na andito para sa kanya yung mahina?

Andito kami sa bahay ngayon ni Miks. Wala nanay’t tatay nya, nag out of town kasama si John. Kaya si Yaya Chey na muna yung nandito. Gabi narin aman kaya tinext ko na si ate na di na ako sa bahay matutulog. Di nga sana papayag buti nalang at nadaan sa pa cute.

“O sige Mikay. Feel at home ka lang dyan ah? Kaw nabahala kay Mikael.” Sabing ganun ni Tita sa kabilang linya

“Opo. Wag po kayong mag alala. Thank you po.” Sabi ko naman

“Naku. Ako dapat magpasalamat at may nagmamahal pa dyan kay Mikael. Napaka barumbado na ewan. Antigas ng ulo. Buti nalang talaga at nandyan ka. O siya. Sige na. Ingat kayo Nak.”

 

 

Tas nabalik na din ako sa loob. Si Miks, nasa sala. Nakapikit mata pero hindi naman tulog. Ako naman, hinihintay na maluto yung soup na pinaluluto ko kay Yaya Chey.

“Mahal mo na noh?” tanong niya sa akin ng pabiro

“Naku ya. Hindi po. Kaibigan lang po.” Sagot ko sa kanya

“Aysus. Sabagay iha, uso yan ngayon. Lalo na sa mga kabataan. Naku talaga.” Sabi niya habang patuloy padin sa niluluto niya

“Uso? Ang ano po?”

 

 

“Yang ganyang set up? Yung more than friends but less than lovers. Yung tipong hindi naman kayo pero parang kayo. Yung kunwari magkaibigan lang pero may nararamdaman naman pala talaga para sa isa’t isa. Yun bang nararamdamang hindi inaasahan.” Sabi niyang ganun na parang kinikilig pa

“Yaya Chey naman. Hindi uso sa amin yan.” Sagot ko at kinuha na yung isang bowl ng sopas. Diretso na agad ako dun sa sala kung nasaan si Miks.

“Miks. Kain ka na muna.” Sabi ko sa kanya habang tinutulungan syang maupo

“Ge na. Say aaaaaaaah.” Sabi ko, sumunod naman sya. Para ngang bata eh. Napipikit pa na tipong sarap na sarap sa kinakain nya

Broken Ones.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon