Broken Ones. Eighteen

167 2 5
                                    

Broken Ones.

Eighteen.

Naaalala ko pa nung tinatanong ako ng mga kaibigan ko kung ano yung tipo ko sa lalake. I was sure of my answers.

I want someone smart. Matino. Tall. Dark. Chinito. Mabait. Sweet. Kahit ano, basta, sincere at totoo.

Tas dumating si Miks, akala ko, jackpot. Kagaya sa multiple choice examinations, hindi mo pala talaga madaling makukuha yung sagot na ALL OF THE ABOVE, minsan, dun ka mapupunta sa EXCEPT ONE.  Kailangan mo munang dumaan sa choice na yun.

2 days ago, mula nung sinabi sa akin yun ni Miks. Gulong gulo lang yung isip ko. Hanggang ngayon. How can I try to convince myself na okay lang sa akin yun? For God's sake. It was over the limits. Maybe, this time. Everything will never be the same way again, ever.

"Mikay, san ka?" kasasagot ko pa lang sa phone nyan na yan agad yung bumungad sakin na tanong.

"Nasa bahay lang. bakit?" halata kase sa boses nyang aligaga sya

"Anong nangyare sa inyo ni Miks?" tanong niya naman

"Ha? Bakit?" tanong ko ulit

"Anong nangyare Mikay?!" tanong niya na para bang sinisigawan na ko

"Wala. Wala! Hindi ko alam!" sagot ko

"Nasa hospital sya. Naaksidente. Buti nalang at galos lang yung nakuha niya. He was so drunk. Tas nag drag race pa." sabi nyang ganun

"Ano?!" yun lang yung nasabi ko

"Alam ko na lahat Jane. Lahat-lahat." sabi kong ganun

"Tas ganun na yun? Sorry Mikay. Sorry kung nasabe kong wag kang mainlove sa kanya. I was wrong. Mabuti syang tao. Sobra."sabi nyang ganun

"Pero Jane…" sabi ko sa kanya

"Mikay, no if's. no but's. no why's. please. Puntahan mo sya."

Andun na ko sa labas ng room ni Mikael. Everybody's present. Niel, Kelvin, Jane.  At yung iba pa nilang friends. Madami pala talagang nagmamahal kay Miks. Kahit ganun sya.

"Nasa loob sya." sabi lang na ganun ni Jane, when I went inside. Nakapikit sya. Pero halata sa mukha niyang helpless sya, hopeless.

"Miks." sabi ko and held out his hand

"Sorry." sabi ko sa kanya, naramdaman ko mang nahigpit yung hawak niya sa kamay ko

"Mikay…" sabi niya and I saw tears running down from his eyes.

"Ayaw mo na sakin. Wala na. wala nakong kakampi." sabi niyang ganun

"Hindi Miks. Walang nagbago. Andito pa din ako. Para sayo. Ano ka ba. Yun lang yun? Psh. Wala Miks. Walang magbabago." sabi ko and reassured him pero ayaw niyang maniwala. I moved closer to him. Inayos ko yung damit niya. Caressed his face. Held his hand. And smiled.

"Higit ka pa sa isang libong bagay na tinanggihan ko. Sabi ko sayo yun. Dba?" sabi ko sa kanya

"Tsaka, hindi ako mawawala." sabi ko

"Mikay…" sabi niya

"Dili taka biyaan Miks. Maski pag unsa'y mahitabo. Ikaw na gane nag ingon dba? Bahalang hinay hinay, basta kanunay. Si Zharm man ang rason nga na ana ka, sige, dawaton nako. Kay siya man imung kagahapon." (Hindi kita iiwan Miks. Kahit anong mangyari. Sabi mo nga dba? Kahit na hindi na muna maging tayo, basta andito tayo para sa isa't isa. Si Zharm man yung dahilan na naganyan ka, sige, tatanggapin ko. Kase, sya yung kahapon mo.)

"Pero Miks, ako na imong karon ha? Ug imong kanunay." (Pero Miks, ako na yung ngayon mo ah? At magpakailanman.) sabi ko and gave him a forehead kiss.

--------------------------------------------------

Note 101:

Yan yung moment na gulong gulo man ang isip ko, alam ko naman sa puso ko na hindi ko magawang iwanan sa ere si Miks, Ngayon pa't alam ko na lahat. Lahat lahat. Haaaay. Sarap balikan ng moments na yun, yung kahit may tagos, masakit. Atleast, naisalba mo. Naisalba nyong dalawa. <3

Broken Ones.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon