Broken Ones. Six
Mikaela’s POV
“Natatakot ako Miks. Na baka pag hindi pa tayo tumigil ngayon, mamahalin na kita. Mamahalin na kita ng sobra sobra.” Pagkasabi kong ganun, naramdaman ko na agad na mas hinigpitan nya pa yung hawak nya sa akin.
“Uwi na tayo. Sorry kanina Miks. Di naman talaga kita pinapaalis eh. Salamat na din kasi nagpapilit kang papasukin ako dyan sa buhay mo. Ge na. lika na. uwi na tayo.” Sabi nyang ganun pero hindi pa din ako natayo.
“Miks.” Sabi nya, nakatingin lang sya sa akin na parang may hinihintay na sabihin ko
“Lika nga dito.” tinayo nya ako at hinawakan sa magkabilang balikat
“Kahit na ganto na muna tayo ngayon, Miks. Mas okay siguro yun. Diba?” sabi nya pa, “Basta ako, alam ko na hindi ako mawawala.” Dagdag nyang sabi
Ilang araw pa ang lumipas na mas nagiging close pa kami lalo. Minsan, Masaya. Minsan din super saya. At minsan naman, umaapaw sa saya. Haha. Ang saya dba? Nasa labas kami ng bahay ngayon, nagkukwentuhan. Nagtatawanan. Nang bigla na lang syang tumino at nagsalita ng kung ano.
“Mikay.”
“O?”
“Punta na muna akong hospital ah?” sabi nya, ako naman etong si taranta.
“Ha? Bakit? Napano ka?” sunod sunod kong tanong
“Parang nabalian yata ako eh.” Reklamo nya pa