Broken Ones.
©TheDramaQueen
Twenty
Nagulat nalang akong habang nagka countdown na kami para sa noche buena, biglang nagtxt sa akin si Miks.
From: Engineer
Labas ka. Nood tayo ng fireworks.
Agad naman akong lumabas sa bahay at nakita si Miks sa may gate namin na may dalang sparklers. Tsaka naka santa cap. Napakalaki ng ngiti.
"Miks!" salubong ko at pinagbuksan sya ng gate
"Merry Christmas Miks." sabi niyang ganun sa akin habang nakatingin sa mga mata ko, I just smiled.
"5,4,3,2,1!!!!!!!Merry Christmas!!!!" sigaw ng mga tao sa bahay sabay palipad ng kung anu anong fireworks. Ang ingay. Pero mas maingay yung puso ko. Ang saya niya. Ang saya ng puso ko. Lunod na lunod . Sa tingin. Sa hawak. At sa presensya nya. Tas bigla niya na lang akong niyakap.
"Miks." sabi kong ganun sa kanya
"Ganto muna tayo Mikay. Please." sabi niyang ganun, hinayaan ko nalang din sya.
"Masaya ako Miks. Kase andyan ka, at kahit kelan, di ka nawala." sabi ko sa kanya
What else can I ask God? For more? No. this is most of what I wanted. Thank you Bro. Ang saya ko. Na celebrate namin yung Christmas ng magkasama. Nairaos namin yung New Year dala ang mga pangakong andito lang kami para sa isa't isa. At kahit kailan, hindi kami mawawala.
Ilang araw ang lumipas, everything was back to normal. Hindi pa man natatapos yung Christmas break, busy na ulit si Miks kakagawa ng plates niya. Nag rereview para sa midterm exams namin tsaka yung iba pang kailangan asikasuhin sa Acads. Ako naman, I make the most out of my days na andito ako sa amin. Tulooooog, kaiiiin, labas ng bahay, gala. And it turned out na sobrang bitin ng bakasyon. Kung pwede nga lang na mag extend pa eh. Kaso, hindi. Kailangang unahin si Acads.
While everybody else were happy because of the season, eto namang si Dindi, nag eemote.
"Dinds. Don't worry. Someday soon, you'll find your match." sabi ko sa kanya
"Tsaka Dinds. Si Mikay nga na may pusong bato, naging masaya. Ikaw pa kaya." sabi naman ni Kiko
"Che! Choice naman kasi natin yun eh. Kung magiging masaya tayo. We just have to make the most out of everything." sabi ko naman
"Tsaka, hindi ko pa yata siguro panahon para maging masaya." sabing ganun ni Dindi na halata talaga na malungkot. Nilapitan ko sya and tapped her back.
"Dinds. Everyday is the right time. We just have to make it perfect. Kapag andyan na sa harap mo yung taong nagpapasaya sayo, pag sigurado kang napapasaya ka niya, if he really makes you happy and if you think you know him, then please. Don't let that moment go. Don't let him go." sabi kong ganun
"Oo nga naman dind. Pano pag andyan na pala talaga sa harap mo? Kaso pinakawalan mo pa kase nga iniisip mong hindi pa right timing? Edi wala na." dagdag naman ni Jane
"Eto ha. What if, nung araw na binigay ni Jane yung number ko kay Mikael, what if hindi ako nagpapilit na papasukin sya sa buhay ko? Tingin mo Dinds masasabi ko lahat sayo to? Hindi ko naman sinasabi na ako na ang pinakamaswerte. Kase hindi ko din naman sigurado kung pang forever na to, kase di pa naman talaga ko sigurado eh. Wala nga kong pinanghahawakan. Hindi ko naman boyfriend yung Tao. Basta ang alam ko lang, napapasaya nya ko. Kinukuntento niya lahat ng gusto ko. pro atleast Dinds, pag dumating yung araw na matapos lahat to, at least wala akong regrets. Kase alam ko, ginagawa ko lahat para maging masaya ako. Dba? Ganun lang yun. Life and love is a give and take process."
I smiled and took a deep breath. Afterall, I have to thank Mikael.
Malaki yung parte nya sa pagiging masaya ko.
-----------------------------
Read. Vote and Be Inspired.