Broken Ones. Thirteen

221 4 3
                                    

Broken Ones 13

Thirteen

SATURDAY WEEKEND. Nasa harap ako ng laptop nun, nagpaplanong mag blog at mag update ng stories, kaso wala talagang laman utak ko. Lutang. Mahirap pala pag ikaw na mismo yung nasa sitwasyon, yung dating nababasa mo lang, ngayon buhay mo na mismo yung sinusulat mo.

"Mikay! Ano ba! Sagutin mo na nga yang phone mo!" sabi nya pa. Oo nga pala. Kanina pa yan nag riring. Si Miks, di ko sinasagot. Wala din naman akong sasabihin eh.

"Hayaan mo na nga lang dyan. Mapapagod din yan." sagot ko sa kanya

"Bakit ba?" galit niyang tanong

"Ate! Kung gusto mo, ikaw na lang ang sumagot. Pasabi na lang na tulog pa ko. Okay? THANK YOU!" Sarcastic kong sabi sa kanya at padabog na nahiga ulit. Siya naman, sinagot talaga yung tawag.

"Hello?" sabi niya, naririnig ko kase naka speaker phone.

"Mikay. Kausapin mo naman ako oh." sabi niya, I mouthed "Sabihin mo tulog pa ako." kay ate

"Ay, hello Miks? Si Ate Ann mo ito. Andito si Mikay. Gising na. Ayaw ka nga lang kausapin." sabi niya kay Miks kaya nainis ako

"Hala te? Pasabi naman na mag usap kami." sabi ni Miks sa kabilang linya

"Te, pasabi ayaw ko." sagot ko naman agad sa kanya

Broken Ones.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon