Broken Ones. Twenty Eight

107 2 3
                                    

 Broken Ones.

©TheDramaQueen 

 Twenty Eight

Habang lumilipas yung panahon, nagiging mas matatag yung samahan namin ni Miks. Madami yung nagsasabing pansamantala lang yung meron kami, pero iba yung pinaniniwalaan namin. Lumipas ang mahigit isang taon, with all that has happened, nagdesisyon kami ni Miks na mag concentrate na muna sa pag aaral. Nag uusap pa din naman pag may time, walang nagbago, yun nga lang, klaro na ang set of priorities namin ay ang pag-aaral muna. Lalo pa't gagraduate na din ako. At sya naman, pa 5th year na.

"Basta Mikay, tandaan mo. Higit sa sino man, bukod sa nanay at tatay mo, ako yung unang unang tatayo at papalakpak dahil proud na proud ako sa achievements mo." sabi niyang ganun sa akin habang kinukuwento ko sa kanya yung naging practice namin for graduation

"Alam ko naman yun Miks eh. Tsaka, ako din. Proud na proud ako sayo." sabi ko sa kanya

All is well that ends well ika nga. Hindi pa din kami ni Miks. Pero alam ko na malalim na tong nararamdaman ko sa kanya.

"Basta Mikay. Forever." sabi nya sa akin

At kung ano man yung tinutukoy nyang forever, si Bro lang yung nakakaalam dun. Ganun pa din naman kase, minsan, hindi kami bati kase nagseselos ako, minsan naman, di kami bati kase sobrang busy namin pareho. Pero, sa hinahaba man ng usapan, natatapos padin na hawak hawak namin yung pangako namin sa isa't isa na hangga't may nakakapit, walang bibitaw.

MIKAEL GINO'S POV

Ilang buwan na ang nakalipas, alala ko, yun yung sobrang nagselos si Mikay samin ni Cherry. Chinat ako bigla ni Baba. Si baba, school mate ko sya, engineering din yun dati dun sa kabilang school kaso pag transfer sa school namin nagkaaberya sa course descriptions kaya nag shift nlng ng business ad. Hindi ko din alam kung pano nangyareng naging sobrang close sila ni Miks. Basta ang alam ko, nakikita ko sa Facebook yung pictures nilang sabay silang nag didinner, minsan nagsisimba pa, nanunuod ng sine, namamasyal, kain sa labas at gala kung saan. Nakikita kong masaya din si Mikay sa company nya. Siya kase yung tipong masayang kasama kaya siguro ganun. Minsan nga natanong ako ni Kelvin kung okay lang ba sakin yung kinakaibigan ni Baba si Mikay, ang sabi ko naman okay lang. wala naman kase akong nakikitang masama.  Alam ko naman na hanggang friends lang sila.

Hanggang friends lang ba talaga? Yung totoo kase, minsan din, natatakot akong baka isang araw, sabihin na lang ni Mikay saking gusto nya na si Baba. Hindi naman kase malabong mangyare. Pero, kahit nakakaramdam ako ng ganun, hinahayaan ko padin sya. Sila. Masaya sya eh.

Baba:

Dre.

Nagulat ako. Wala naman kaseng instance na nagchachat kami ni Baba eh.

Ako:

Dre. Sadya?

Baba:

Wla. May tatanong lang.

Ako:

Shoot.  Bawal mangutang dre. Lang budget. Haha.

Baba:

Sira! Mayaman ako noh! Pakainin kita ng pera dyan!

Ako:

Mas mayaman ako sayo uy! Sa pera, kagwapuhan, kaibigan.

Baba:

Pagmamahal ba?

Ako:

Nah.  Chismoso ka rin noh?

Baba:

Nabasa mo na yung note ni Mikay?

Ako:

Meron ba? Di ko alam yan? Anong sabe?

Baba:

Matagal na yun. Kala ko nabasa mo na. Ikaw yata tinutukoy dun eh. Dre, pagpinakawalan mo pa to, la na talaga dre. Aagawin ko na to sayo.

Ako:

Ha?

Baba:

Wag ka ngang torpe. O manhid. O ano bang tawag sayo? Shit.

Tas binigay nya sakin yung link ng note ni Mikay. It was entitled, Kuntento Na Ko Sayo. Habang binabasa ko yung note, nag fa flashback lahat ng nangyare samin ni Mikay. Mula day 1 hanggang sa present time. Lahat ng ups and downs sa buhay namin parehas. And realized, andame na pala talagang nangyare. And I was dumbfounded dun sa last line nya,

Sorry. Sorry kung nagkakaganto ako. Sorry. Alam ko, alala ko pa nung sabi mong wlang dapat ipagselos, sorry pero di ko mapigilan. Natatakot ako, na baka dumating yung isang araw na malaman ko yung katotohanan na hindi pala talaga ako. O hindi pala ikaw. Or hindi pala talaga tayo. 

Natatakot ako kase para sakin ikaw na.

Kuntento na ko sayo. :(

She was the girl who helped me get through with the worse of me. Sya yung napapansin ko lang pag nagpapapansin. Sya yung kapag kailangan ko, laging andyan. Sya yung laging may solusyon sa lahat ng problema ko. Sya yung brighter side ng buhay ko. Siya yung nagagawa ng plates ko pag nagmamadali nko kase may hinahabol na deadline. Sya yung ginagawan ko ng projects nya. Sya yung lahat lahat na. bestfriend na kapatid na parang girlfriend na din. Siya yung unang unang nasasaktan pag nasasaktan o nahihirapan ako. At sya yung masaya pag alam nyang masaya ako. She was everything that I never really wanted but stayed even though I am nothing but a piece of hell in her heavenly world.

And maybe this time, I have to conquer my fears.

------------------------------

Lapit na talaga tong matapos be's. Pero parang wala na yatang nagbabasa, tsk. :/

Broken Ones.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon