Buwan ng Hunyo at ito ang ikalawang linggong araw ng pagbabalik ng pasokan simula nang lumipas ang Christmas at New Year's Eve.
Nakanguso akong sumunod sa mga kaibigan ko pababa ng second floor para dumaan sa harap ng room nila Jake, ang crush ni Maria.
Nasa third floor ang classroom namin at nasa kanan ang pinakamadaling daan para bumaba patungong cafeteria pero mas pinili nilang dumaan dito sa second floor para pasimpleng makapagpapansin si Maria sa crush niya.
Ito naman ako, support-support lang dahil isa rin naman ako sa kanila.
"Shit!" Biglang tili ni Maria at kumaripas ng takbo. Nagkatinginan kaming anim bago sumunod kay Maria.
"Hoy! Anong meron? Bakit ka tumakbo bigla?" Taka kong tanong at nagpalinga-linga sa paligid, baka kasi makita ko si John.
"Nakita kasi ako ni Jake na nakatingin sa kan'ya, kaya napatakbo ako dahil sa hiya." sagot niya at napaubo.
"N-Nakita ka niya?! Hala, baka sign na 'yon!" Nanlalaki at kinikilig na sabi ni Aleah at may patakip-takip pa sa bibig.
"My ghawd! Napansin ka na rin ni Jake." puna ni Ramil.
"Kaya nga hahaha--oh, look who's here." Biglang sabi ni Fate kaya napalingon kaming lahat sa kan'ya. Nakatingin ito sa 'di kalapitang direksyon.
Taka naming sinundan ang tinitingnan niya at nanlaki ang mata ko nang makita ang tinitingnan niya. Si John! May dala siyang tray ng pagkain at papalapit na sa table ng mga kaibigan niya.
Nahigit ko ang hininga at napatalikod.
Nakita ko si John!
"Yam, Si John oh." panunudyo nila sa 'kin kaya namula ako.
"A-Ano ba kayo. Tumigil na nga kayo at tara na sa line para makaorder na tayo ng pagkain." saway ko sa kanila na tumigil din naman. Pero sa loob-loob ko ay kinikilig na talaga ako. Nagwawala ang mga organs ko sa katawan.
Ngayon ay nakatungo akong kumakain dahil hindi ko alam kung ano ang irereact dahil nandito rin sa cafeteria kumakain si John. Nakakailang ang presensya niya pero gusto ko naman.
Iniangat ko ang tingin sa mga kaibigang gano'n din ang ginagawa. Nakatungo habang kumakain at paminsan-minsang ngingiti na parang timang.
Pasimple akong sumulyap sa p'westo nila John para tignan ang ginagawa niya. Seryoso siyang nakaharap sa pagkain habang ang mga kaibigan niya ay nagtatawanan. Mabilis ko ding ibinalik sa harap ang tingin at kagat labing ngumiti.
Ano kaya ang pakiramdaman na titigan niya? Iniisip ko pa lang, kinikilig na ako.
Napailing ako sa naisip ng utak ko.
H'wag ka ng mag-assume dahil never ka niyang papansin kaya magtigil ka diyan!
Napairap ako. Ngumuso ako dahil sa katotohanang tama ang sinabi ng utak ko. Masyadong snob at masungit si John na kahit ipahiya ko pa ang sarili ko ay hindi niya pa rin ako papansinin.
Nagitla ako ng may humawak sa balikat ko. Pag-angat ng tingin ko sa kung sinong humawak sa balikat ko ay napakurap ako. Si Cydrick, iyong lalaking gustong manligaw sa 'kin pero hindi ko pinayagan.
"Cydrick!" Kunyaring galak kong sabi at tipid na ngumiti sa kan'ya. Ngumiti naman siya ng napakalapad at ibinalandra sa harap ko ang isang tray na may lamang pagkain.
"For you." he said and offered the food. Natahimik ako at tinignan ang pagkaing dala niya. Favorite ko ang mga laman ng tray.
Sandali akong sumulyap kina John pero nadismaya ako ng wala man lang nagbago sa ginagawa niya.
YOU ARE READING
LOVE CURSE
Teen FictionBeing inlove is the best feeling ever, though hindrance sometimes come, but because of determination lahat ay gagawin. Halyn Yam Blasco is a typical girl na lahat gagawin para lang mapansin ng kaniyang one and only love John Michael Vasquez. A snob...