CHAPTER 3

3 0 0
                                    

Malalaking eyebags ang bumungad sa 'kin pagkagising ko kinabukasan. Napuyat ako kakaisip do'n sa video tungkol sa Love Curse.

Napahinga ako at sandaling tumulala sa harap ng salamin at inalala iyong mga steps kung paano gawin ang sumpa. Baka 'yon na ang sign ko para mapansin ako ni John. Pero ang kaso ay hindi ko trip ang magpaniwala sa mga gano'ng klase ng video.

Napailing lang ako at winakli ang tungkol do'n. Maiistress lang ako kakaisip.

Tahimik akong bumaba para kumain ng panghalian. Nabungaran ko sila Kuya na nasa hapag na. Pareho sila ni Papa na nakasuot ng pangtrabaho habang si Mama ay nag-aasikaso ng pagkain.

"Goodmorning everyone." maligayang bati ko sa kanilang tatlo dahilan para maagaw ko ang attention nila.

"Anak, magandang umaga din." sagot ni Papa at Mama.

"Morning, halika na dito para kumain ng umagahan." si Kuya. Napangiti ako.

"Thank you." pasalamat ko kay Kuya ng ipaghila niya ako ng upuan.

"Nagmamake-up ka na pala ngayon, anak?" Gulat na sabi ni Papa.

"Pulbo lang 'yan Pa, saka liptint na pinahiram ni Maria." sagot ko at nagsimulang kumain.

"At bakit ka naman gumagamit ng liptint, Yam?" Nakataas kilay na tanong ni Kuya.

Napaubo ako. Napakastrikto talaga ni Kuya.

"Ano... Ahm.. Para ano.. Kasi--"

"Kasi?" Singit ni Kuya sa 'kin.

"Hayaan mo na ang kapatid mo Haiko, nagdadalaga na kasi siya." singit ni Mama kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Nagdadalaga? Isip bata pa nga 'yan eh! Oh, baon mo. Kapag ikaw nahuli kong naglalakwatsa, papatigilan agad kita sa pag-aaral." pananakot niya sa 'kin. Napanguso ako.

"Hindi naman eh... Para ano lang, hindi magmukhang maputla ang labi ko Kuya." katwiran ko pero mukhang hindi umobra sa kan'ya.

"Hindi ako naniniwala. Alam ko ang ganiyang galawan Yam. Sinasabi ko talaga sa'yo. Umayos ka." panenermon niya.

"Hindi nga kasi kulet."

"Psh.. Kumain ka na nga para makapasok na." pagtatapos niya sa usapan .Whoah! muntik na ako don.

Tinoon ko na sa pagkain ang attention ko at nang matapos akong mananghalian ay nagpaalam na ako sa lahat na papasok na dahil malapit ng magseven.

"Ma, Pa, Kuya! Alis na po 'ko." paalam ko't pinaandar na ang motor.

Tamang bilis lang ang gamit ko habang pinapatakbo ang motor dahil marami akong nakakasabay na kotse sa daan, at nang mahawi at wala na ni isa akong kasabay ay binilisan ko ang pagdadrive na parang hangin sa crossing street.

Pagkarating sa school ay saktong nakasabay kong bumaba si John. Kakababa niya lang sa kotse niya habang ako ay pinapark ang motor ko sa p'westo nito.

"Good morning John.." lakas loob kong bati sa kan'ya nang magkasabay kaming pumasok sa loob ng school pero hindi niya ako pinansin at binilisan ang paglalakad dahilan para mas mauna siya sa 'kin. Napasimangot naman ako.

Wala talaga siyang pakialam sa 'kin. Nakakainis ah, sayang lang ang mga efforts ko.

Nakanguso pa rin ako nang makarating sa classroom. Salubong ang kilay at tinatanguan lang ang bawat bumabati sa 'kin.

Badtrip ako ngayon kaya h'wag ni'yo akong inaano.

Pati mga kaibigan ay nilampasan ko lang nang magsilapit sila sa 'kin nang makita ako.

LOVE CURSE Where stories live. Discover now