CHAPTER 5

1 0 0
                                    

Para akong lantang gulay na naglalakad papunta sa parking lot ng school. Uwian na at iniisip ko pa rin kung paano ko gagawin 'yong dare sa 'kin ng mga kaibigan ko.

Iinvite ko raw si John na maging kadate ko sa valentines party.

Paano ko 'yon gagawin? Hindi nga ako pinapansin non.

"Malapit na ang valentines day kaya gumalaw-galaw na kayo girls. Magmumulta kayo pag hindi ninyo nagawa." naalala ko na naman ang paalala ni Maria.

Umismid lang ako at ngumuso.

Paano ko yayayain si John?

Nakatulala ako sa kawalan habang hawak ang helmet ko. Umuwi na ang mga kaibigan ko. At kanina pa ako rito nakatayo sa harap ng motor ko.

Ano bang gagawin ko? Paano ko siya aayaing maging date ko? Simpleng 'hi' ko nga, iniisnob niya.

Gusto ko na lang sabunutana ng sarili ko. Dapat nagtruth na lang ako eh.

Subukan ko kayang gawin 'yong spell na nakita ko sa tiktok? Nasave ko naman 'yon kaya may guide ako sa mga steps na dapat kong gawin.

Napatitig ako sa gilid. Nanliit ang mata ko sa iniisip.

Tama! 'Yon na lang. Kapag gumana 'yon, maiiwasan ko ang multa.

Tumango ako sa aking sarili at huminga. Determulinado na.

Humanda ka sa 'kin John, dahil magiging akin ka na rin.

Pinaharurot ko na ang motor ko at parang hangin na umuwi. Pag-iisipan ko muna kung gagawin ko 'yon dahil may consequence if ever mawala ang feelings ko kay John. Magiging obsessed siya sa 'kin.

Gusto ko naman 'yon, pero nakakatakot ang possibleng kahinatnan non.

Pagkarating sa bahay ay mabilis akong nagbeso kina Mama at Papa tapos kay Kuya na kadarating lang din, bago ako, tapos pumanhik papasok sa kwarto ko. Hinagis ko ang bag ko sa kama at inilabas ang cellphone ko, at hinanap ang video sa gallery.

Kaso napadaan ako sa album ni John sa cellphone ko. Mga nakaw pictures niya na galing pa sa fb account nito.

"Ang gwapo mo talaga. Kailangang maging kadate talaga kita sa valentines party dahil kung hindi ay kikidnapin kita."

Natawa ako sa sinabi.

Ika pa.

"Paghindi madaan sa santong dasalan?"

"daanin sa santong paspasan"

"At kapag hindi nadaan sa santon paspasan?"

"Kidnappin na yan!"

Napahagalpak na ako sa tawa. Edi kikidnapin ko si John tapos pupunta kami sa motel kapag nagpakipot pa.

"John... John .. Masyado kang pa hard to get. Kikidnapin talaga kita!"

Hindi ko maintindihan sa isang 'yon. Ako na nga 'tong gumawa ng first move tapos siya ay papatulan na lang ay hindi pa magawa.

Manhid ka! manhid!

Pero humanda ka dahil nakapagdesisyon na ako. Gagawin ko na ang tanging paraan para mainlove ka rin sa 'kin.

Kailangan ko lang maghintay ng ilang araw bago magfourtheen para sa araw na 'yon ko isasagawa ang ritwal ng pag-ibig.

I giggled of my thought. Magiging akin si John sa araw ng valentines day. That means, ang monthsarry namin at anniversarry ay every february 14. Tuwing araw ng mga puso!

Nagbihis na ako at bumaba nang tinawag ako ni Mama para kumain ng haponan. Mabilis lang akong kumain pero take note, tatlong plato ang naubos ko. Masyado kasing nagdemand ang mga bulate ko sa tiyan kaya ang dami kong nakain.

LOVE CURSE Where stories live. Discover now