"Hoy babaita! Magkwento ka na! Hindi mo sinasabi ah na boyfriend mo na pala si John! Pa'no mo nagawa 'yon ha?!" Agad na salubong sa akin ni Ramil nang makapasok ako ng room. Ngumiwi ako dahil kakalapag lang ng bag ko.
"Sandali lang 'no. Hayaan niyo kaya akong makaupo muna." reklamo ko at ngumuso. Umupo ako at mabilis naman nila akong pinalibotan.
"So ano nga? Akala ko ba nanliligaw pa lang? Isang araw pa lang ang lumipas ah, sinagot mo na agad? Hindi ka nagpakipot teh?" Tunog sarkastikong banat ni Ramil.
"Nanliligaw pa nga siya sa 'kin, pero kasi kagabi, matapos nong date namin, sabi niya kami na daw." sagot ko. Napapikit naman ako sa reaksyon nila. Halos mabingi ako sa sabay nilang sigaw.
"Hinaan niyo nga 'yang boses niyo!" Sita ko sa kanila.
"Ang rupok teh! Isang araw lang na panliligaw sinagot mo na agad! Pinahirapan mo sana! An'tagal mo ding nagpapansin don." si Ramil.
"Anong ginawa mo Lyn? Magmula nong valentines party, naging malapit na kayo ni John." si Jewell. Napabaling ako sa kaniya.
"Huh? Anong ginawa?" Tanong ko na kunyari ay hindi gets ang tanong niya.
Syempre wala silang alam sa ginawa ko kaya dapat secret lang 'yon. Baka gayahin nila. Ayokong magaya sila sa akin na baka pagnagsawa sila ay magagalit sa kanila ang mga crush nila.
"Oo nga eh 'no? Bigla silang naging malapit ni John magmula nong valentines day." segunda ni Maria.
"Ano ba kayo! Malay ko din sa lalaking 'yon. Bigla lang naman akong niyaya nong sumayaw tapos ayon na." depensa ko.
"Eh baka may gusto rin pala talaga si John sayo, ngayon lang naglakas ng loob na magconfess." si Aleah. Nagsitanguan naman sila na parang nakumbisi sa sinabi niya.
"Oo nga 'no? Baka nga may gusto rin pala si John sayo tapos nahihiya lang sabihin sayo kaya hinintay na lang na magvalentines! Yiee!"
At nagsimula silang manukso. Kahit alam ko namang hindi totoo ay kinilig pa rin ako.
"Ayiee kinilig si Yam! Iba talaga ang karisma ng isang Halyn Yam Blasco!" Panunukso ni Ramil. Natawa ako at nag-init ang pisnge.
"Sheeet! Tigilan niyo ko! Kinikilig ako." sabi ko at sinapo ang pisnge ko.
"Ikaw na talaga Yam. Sana all na lang sayo. Mapapawhen na lang kami nito." si Kristel.
Natawa na lang ako at sinabayan sila. Masarap sa feeling mag-assume pero dapat hindi lumagpas dahil masakit lumagapak sa huli. Iba ang epekto, lalo na kapag nag-iba ang takbo ng lahat ng ito.
"Andyan na si ma'am!" Sigaw ng kaklase namin. Napatingin kami sa pinto at agad na nagsibalik sa kaniya-kaniyang upuan nang pumasok si ma'am.
Mukha tuloy akong baliw na pangiti-ngiti habang nahdidiscuss si ma'am. Iniisip ko sana totoo 'yon eh hindi naman talaga. Kahit fake lang ang lahat ng pinapakita ni John, natutuwa at kinikilig pa rin ako, syempre ang tagal kong naghabol sa kaniya tapos sa isang iglap boyfriend ko na siya.
Salamat talaga sayo love curse. Napasa 'kin din ang crush ko. Sa wakas!
"Hoy Yam andito si John!" Biglang sigaw ni Ramil habang nagliligpit ako ng gamit ko. Mabilis akong napalingon sa mag pinto at nakita nga doon si John kasama sila Warren.
Nagtama ang tingin namin ni John. Ngumiti siya at kumaway sa akin. Imbis na ako ang kiligin ay mas kinilig pa ang mga lukaret kong kaibigan.
"Hoy magsitigil nga kayo diyan!" Sita ko sa kanila at tumayo na.
"Yam! Inggit na inggit na ako sa inyo! Paano kasi 'yan?!" Pagmamaktol ni Ramil.
Tumawa lang ako at napailing.
YOU ARE READING
LOVE CURSE
Teen FictionBeing inlove is the best feeling ever, though hindrance sometimes come, but because of determination lahat ay gagawin. Halyn Yam Blasco is a typical girl na lahat gagawin para lang mapansin ng kaniyang one and only love John Michael Vasquez. A snob...