CHAPTER 13

0 0 0
                                    


"H-Huh?! B-Boyfriend? Agad! Isang araw mo pa nga lang akong niligawan eh!" alma ko. Abah! kahit patay na patay ako sa kaniya ay karapatan ko ding maligawan 'no!

"What's wrong with that? As I've said. Courting you wont be gone. I'll still court you kahit boyfriend mo na ako. Why? ayaw mo ba?"

Umiling ako. Syempre gusto ko.

" ' Yon naman pala. Then.. Tonight I'm already your boyfriend. No buts."

Whaaaat! Siya ba ang nililigawan at tanong niya, sagot niya!

"Huh! Ang bilis naman!" protesta ko. Tumaas naman ang kilay niya sa reaksyon ko.

"Why? Anong mali sa pagiging mabilis? I wont allow others to take their chance on you. As much as possible. Siselyuhan ko na ang oras ko at nang hindi ka na maagaw sa 'kin."

Napatanga ko. Seryoso ba siya?

"S-Seryoso ka ba?"

Tumango siya at ngumiti.

"I'm pretty sure." saka niya tinapik ang gilid niya."Now, if you wont mind. Sit here so we could talk more about us and our arrangement."

Awang ang bibig at tulala, parang kuting na nagtatampong lumapit ako sa gilid niya at umupo.

Inangat niya ang tingin ko at ngumiti. Ngumuso ako at kalauna'y ngumiti rin.

"Anong pag-uusapan pa natin bukod sa pagiging boyfriend mo sa 'kin?"

"Hmm... Let's talk about your suitors. Lalo na kay Cydrick?"

"Anong mayroon sa kaniya?"

"I don't want to be a clingy boyfriend nor be possessive too much to you, Iniiwasan ko lang ang maging seloso dahil isa 'yon sa problema sa 'kin. I easily get jealous every time I saw an important person to me puts his/her attention to other person."

"Okay lang naman kung seloso ka. Mas maganda nga 'yon, alam kong mahal na mahal mo 'ko. H'wag lang lumagpas sa limitasyon."

He sigh.

"At hindi naman ako 'yong tipo ng girlfriend na hahayaang magselos ang boyfriend ko. Kung alam kong hindi maganda para sa relasyon namin ang gagawin ko, iiwasan ko na lang habang maaga pa, ke'sa mahuli ang lahat."

Tumango siya.

"This is the reason why I admire you the most."

It was a whisper I couldn't hear. Masyadong mahina at tanging magbuka lang ng bibig niya ang nasusundan ko.

Napaisip din ako ng bahagya sa mga sinabi ko. I want this curse to last forever so I could love him better in the future, even though this relationship started because of it. The reason why he keeps on saying how much he loves me.

Napatitig ako sa mga mata niya. Pure love and affection is written in his eye's. Not because he wanted it, but because I created those.

Napaiwas ako ng tingin. Huminga ng marahas at tumitig ulit sa kaniya.

"You okay? Tumahimik ka ata?"

Kumurap siya.

"Ah naisip ko lang. Ngayong boyfriend na kita, may plano ka bang ipakilala ako sa guardians mo? I mean sa lola at lolo mo?" Off course! Hindi pwedeng mawala 'yon. Gusto ko ring mameet ang lolo at lola niya.

"Yeah... Soon."

Tumango ako at ngumiti, ganoon din siya. Napatingin kami sa pinto nang marinig ang boses ni Kuya.

"Lyn! John? Kakain na! Lumabas na kayo!" sigaw nito.

"Opo! Lalabas na kami!" sagot ko at bumaling kay John.

LOVE CURSE Where stories live. Discover now