CHAPTER 11

1 0 0
                                    

Kinabukasan, nagising akong may malaking ngiti sa mukha. Nakaharap sa salamin habang naghahanda na sa pag-alis papuntang school. Hinihintay ko lang si John dahil ang sabi niya kagabi ay susunduin niya ako. Maaga pa naman kaya baka papunta pa 'yon dito. At kung hindi man siya matuloy ay magmomotor na lang ako.

Umupo ako sa upuan at nagscroll muna sa facebook. Dumaan sa newsfeed ko ang picture namin nila Maria kahapon sa bahay nila Fate. Nakatag kaming lahat at bagong post pa 'yon ni Fate. Marami agad likes and share. May mga comment pang panay compliment lalo na sa akin.

Hindi naman sa nagmamataas ako sa sarili ko, naaapreciate ko lang ang papuri nila sa akin, maging sa mga kaibigan ko.

1k reacts, 300 comments, at 98 shares.

Tinignan ko ang mga comments. Nakakagulat dahil pati mga relatives ko nakikicomment.

TalinJhenqtqt: Sana All Yam!! Baka pinsan ko 'yan!!

Schylur Blasco: Ang sexy ng suot mo Yam! 😬 Too much skin pero sige, enjoy!

Naghaha ako sa comment ni Kuya.

Cydrick Frencillo: 😍😍

Naghaha din ako sa comment niya.

At marami pa. Ang iba doon ay sila Maria na ang tinutukoy. Napaangat ako ng tingin kay kuya na nasa harap ko.

"Himala naman ata't nagsuot ka ng maayos sa isang party? Akala ko magt-t-shirt ka do'n at pantalon." nakangiwi nitong sabi sabay taas ng kilay.

"Sila Maria ang pumili noon. Pinilit ako." sabay nguso. Ginulo lang nito ang buhok ko kaya mas lalo akong ngumuso. Sinira niya buhok ko!

"May utang kang kwento sa 'kin tungkol sa kasama mo kagabi. Gusto ko mangmagkwento ka ngayon, ayoko namang malate ka. At isa pa, naghihintay na ang sundo mo sa labas."

Sa huli niyang sinabi ay napatayo ako. Mabilis bumaling sa labas at kinumpirma kung totoo ngang 'andiyan na si John. Napasinghap ako nang makita nga ang kotse niya roon. Hindi ko narinig na dumating na siya ah!

"Sige na, puntahan mo na ng makapasok na kayo. Mamaya kana magkwento sa 'kin." nakangiti nitong utos sa 'kin. Tumango ako at sandali siyang niyakap.

"Bye kuya. Pasabi na lang kina mama umalis na ako."

Tumango lang ito. Hinatid niya ako palapit kay John at siya na mismo ang nagbukas ng pinto para sa 'kin. Ang bait talaga ng kuya ko.

Sinarado niya ang pinto at nakita kong nag-usap pa sila ni John bago sumakay si John sa driver seats. Bumaling siya sa 'kin at ngumiti saka pinaandar ang kotse.

Napangiti din ako at bumaling sa harap. Nang may dumaan sa gilid naming motor angkas ang isang estudyante at may dalang paper bag. Ngingiti na sana ako nang maalala ang bigay ni Cydrick kahapon. Nanlaki ang mata ko at mabilis na napabaling kay John.

"Hala! nakalimutan ko!" gulat at naghehesterical na sigaw ko sa kaniya. Nagsalubong naman ang kilay niya pero na sa harap pa rin ang tingin.

"What do you mean?" aniya.

"'Yong bigay ni Cyd kahapon! Hindi ko nadala!"

"What?!" saka niya biglang hininto ang kotse sa tabi. Eh?

"Oh? Ba't huminto ka?"

"Iniisip mo pa rin ang mokong na 'yon?!"

"Huh?"

"I mean, do you need to mention him while we're together? Hindi siya ang kasama mo! Ako!"

Napaawang ang bibig ko.

LOVE CURSE Where stories live. Discover now