"Hoy! Anong meron?" Tanong ko kina Ramil nang maabotan silang nagkukumpolan nang dumating ako.
Napatingin sila sa akin at mabilis akong hinila ni Ramil. Pansin kong wala pa si Jewell.
"Anong ganap? Bakit kayo nagkukumpulan dito sa upuan ko?" Pang-uusisa ko.
"Hoy lukaret. Nakalimotan mo?" Tanong ni Ramil. Nagsalubong ang kilay ko dahil nagugulohan. Nanlalaki naman ang mata at gulat na nakatingin sa akin.
"Hindi ko makuha. Ano ba 'yon?" Tanong ko din. Nanlaki ang mata nilang lahat at awang ang labing bumaling sa 'kin.
"Kinalimutan mo si Jewell! Birthday niya ngayon, hoy!" Pasigaw na sabi ni Ramil at niyugyog pa ang balikat ko. Ngumiwi ako.
Napatigil ako at nalaglag ang panga. Suminghap ako at malaki ang matang tinignan si Ramil.
"Hala, oo nga!" Nang maalala. Natakpan ko ang bibig at huminge ng sorry.
"Hala, sorry... Nakalimutan ko. Iyan ba ang pinagkakaabalahan niyo?" Nataranta kong sabi.
"Naging boyfriend mo lang si John, kinalimutan mo na kami ah." si Kristel. Ngumuso ako.
"Hindi ko kayo kinalimutan 'no. Nakalimutan ko lang ang birthday ni Jewell." reklamo ko.
"Tama na 'yan. Planohin na muna natin 'yong surprise para mamaya." si Maria.
"Ano bang gagawin?" Taka kong tanong at tumabi sa kaniya.
"Hindi daw maghahanda si Jewell kaya tayo na lang. Hindi maayos ang klase natin ngayon kaya may mataas tayong oras para maghanda."
Tumaas ang kilay ko dahil hindi naman niya nasagot ang tanong ko.
"So, ano ngang gagawin?" Ulit ko at namaywang sa harap niya.
"Dadalhin natin siya sa pool. Doon sa SMDC para medyo malapit lang. Hintayin pa namin ang confirmation if pwedeng umuwi ng maaga. Hindi papasok si Jewell ngayon eh, kaya nanakawin natin siya sa kanila." mahaba niyang sagot.
"Talaga? Bakit ba daw walang maayos na klase ngayon?" Tanong ko pa.
"Anteh! Magsisimula na 'yong foundation day natin. Naghahanap na ang mga teachers ng representative for each grade level para sa search for Mr. and Ms." sagot ni Kristel.
"Oo nga. Ang dami ko naman atang nakalimutan." sabi ko at bahagyang natawa.
"So, ano? Magtataxi tayo patungo do'n?" Pag-iiba nila sa usapan.
"Oo. Alangan namang magtricycle tayo eh 'di tayo kasya non." sarkastikong tugon ni Aleah.
"Sige. Sasabihan ko si John na hindi muna ako sasabay sa kaniya mamaya." sabi ko.
Napatingin silang lahat sa akin na parang may nasabi akong maganda.
"Eh... What if... Magpasuyo tayo kay John? May kotse si John. Baka pwede niya tayong ihatid or isama natin siya."
Ngumiwi ako sa suggestion ni Fate.
"Baliw. Hindi tayo kakasya kasi marami tayo." apila ko.
Nagsiungolan ang lahat sa sinabi ko.
Dumagdag naman agad siya."Oo nga 'no." Aniya na parang narealize kung gaano ka ganda ang sinabi niya." Kakasya naman kami kasi payat naman kami. Na sa front seat ka naman at anim kami sa likod, kaya 'yan!" Giit niya.
"Sige na Yam, para makatipid tayo sa pamasahe at ibili na lang natin ng dagdag pagkain." si Aleah.
Nagsibigayan na rin ng opinion ang iba kaya wala na akong nagawa. Napahinga na lang ako.
YOU ARE READING
LOVE CURSE
Teen FictionBeing inlove is the best feeling ever, though hindrance sometimes come, but because of determination lahat ay gagawin. Halyn Yam Blasco is a typical girl na lahat gagawin para lang mapansin ng kaniyang one and only love John Michael Vasquez. A snob...