CHAPTER 7

2 0 0
                                    

Araw ng sabado at nakatunganga ako sa harap ng salamin. Ang mga baliw kong kaibigan ay nag-ayang lumabas. Tanghali na at alam kong nag-aalburuto na ang mga 'yon sa kakahintay sa akin.

Usapan namin ay alas otso ang datingan sa labas ng Mall pero heto ako at nagsusuklay pa ng buhok dahil kakatapos lang magbihis.

Alas nuebe y emedia na kaya paniguradong magiging lumpia ako mamaya at tadtad ng reklamo kung bakit ang tagal ko.

Mabilis akong lumabas ng bahay at naglock ng pinto. Wala ng tao sa bahay dahil na sa trabaho na silang lahat. Ako na lang ang naiwan at aalis naman ako kaya kailangang mauna akong umuwi sa kanila mamaya, dahil hindi nila alam na aalis ako.

Agad akong sumakay sa jeep na nakakahinto lang nang makatawid ako sa kabila. Katabi ko ang isang lalaki na hindi ko makilala dahip nakamask. Iniabot ko ang bayad ko at pagkatapos ay nagfocus sa cellphone. Napanguso ako nang makita ang mga message nila na tambak.

Hindi ko na lang binuksan at nagtungo sa YouTube para magdownload ng music. Nirestore ko kasi 'to noong nakaraang araw at nawala pati mga music ko, at dahil may load ako ay magdadownload na lang muna ako ng music para hindi boring pag-ako pang mag-isa.

"Paabot." sa kalagitnaan ng pagdadownload ko niya sinabi.

At dahil mukhang malapit lang sa akin ang nagsabi nito ay inunat ko kunti ang kamay ko para abotin ang bayad nito habang na sa cellphone pa rin ang tingin, pero napakurap ako nang may kamay na bumalandra sa harap ko at inabot ang bayad ng kung sino. Napatingin ako sa gilid ko at nakitang galing 'yon sa lalaking katabi ko.

Nagtama ang mata namin. Nangunot ang noo ko at napataas ang kilay.

Problema nito? Makatitig wagas!

Napangiwi na lang ako at ibinalik sa cellphone ang tingin. Medyo malayo-layo pa kami sa Mall.

Nang may tumawag. Agad nagpop up ang pangalan ni Maria.

Unang tawag niya ay hindi ko sinasadyang nadecline dahil sa bilis ng takbo ng jeep at umaalon-alon kami. Nang tumawag uli' ay nasagot ko na at panay talak siya dahil ang tagal ko daw. Halos isang oras na daw silang naghihintay sa may Jollibee sa loob ng mall sa tagal ko.

"Oo na! Malapit na ako!"

"Hay nako bilisan mo lang talaga!"

"Oo nga! Paikot na kami sa mall. Na sa Mcdo na kami!"

"Oh sige. Dito ka na namin hihintayin sa Jollibee."

"Sige--ah para po!"

Sigaw ko sa driver nang makarating kami sa harap ng mall. Eksaktong karamihan din sa nakasakay dito sa jeep ay dito din sa mall ang baba, maging 'yong lalaking katabi ko.

Bumaba ako at agad pumasok sa loob. Maraming tao ang pumapasok, siguradong para sa valentines ang pagpunta nila dito.

Pagkatapos akong icheck ng guard at nagtungo ako sa secons floor kung nasaan ang Jollibee. Sumakay ako ng elevator para madali at nakasabayan ko ang grupo ng kalalakihan na mukhang badboy pero stress version.

Panay sipol sila at naiilang ako dahil na sa likod ko sila at ako lang ang tanging babae na nasa loob ng elevator. Nang makita ko na naman 'yong lalaking nakamask kanina sa jeep. tumatakbo ito papalapit sa amin? Sa elevator.

Sa elevator nga!

Sumakay agad siya ng papasara na ng pinto. Na sa tabi ko siyaat mas lalo akong nailang.

Ano ba 'to! Ba't puro mga lalaki ang mga kasabay ko!

Pinindot ko ang second floor kasabay na naman 'yong lalaki. Napanguso ako nang mahawakan niya ang kamah ko.

LOVE CURSE Where stories live. Discover now