"Didiretso tayong mall?" Tanong ko nang na sa parking kami at hinarap sila.
Nagkatinginan kami at tumango si Maria sa akin. Naningkit ang mata ko sa init.
"Oo. Bibili pa kami ng lulutuin." aniya.
Napatingin ako sa kay John. Tumango siya sa akin na para bang nakuha niya ang gusto kong iparating sa pagtingin ko sa kaniya.
"Edi mauna na ako sa inyo. Nakakahiya namang hindi ako kasama." parinig ni Veloso. Nilingon namin siya.
Bahagya akong tumawa at nilapitan siya. Tinapik ko ang balikat niya.
"H'wag ka ng sumama. Magready ka na lang para sa date niyo ni Cara this saturday." pampalubag loob ko sa kaniya. Luminawag naman ang busangot niyang mukha dahil don.
"Tama ka! Sana pumayag siya." sabi niya.
"Oo, kaya mauna na muna kami sa'yo. Balitaan na lang kita." paalam ko.
"Sige. Ingat kayo." aniya at tumango.
Ngumiti ako at nilingon sila John.
"Hope in. Aalis na tayo." aniya at imwenistra ang pinto sa frontseat. Ang mga bruha ay na sa loob na. Nauna pa sa 'kin.
Kakasuot ko lang ng seatbelt nang pumasok siya sa driver seat. Nilingon niya ako, at nang makitang nakaseatbelt na ay nilingon niya ang mga na sa likod na nagsisimulang mag-ingay.
"Ayos na kayo diyan?" Tanong niya sa kanila.
"Oo! Ayos na kami dito." si Ramil.
Sumandal ako sa backrest ng upuan at tinignan sila gamit ang rear-view mirror.
Ang likot nila sa likod.
"Pero pwedeng palakasan ang aircon, John? Hihihi." dagdag ng bakla.
Napangiwi ako at nilingon sila.
"Demanding bakla ah..." suway ko sa kaniya.
"Tama na 'to, Ramil! Ang lamig na kaya!" Segunda ni Aleah.
"Sanay ka lang sa aircon eh... Pano naman kaming dukha?" Aniya pa.
Sinundan ko ng tingin si John nang umayos siya ng upo at kinalikot ang aircon sa harap namin.
"I'll boast the aircon here." paalam niya.
"Grabe ka bakla, nakikisakay na ngalang tayo."
Nahihiya kong suway dito.
"It's fine. I don't mind. Aalis na tayo." aniya at hinaplos ang kamay ko.
"Minsan lang 'to Yam, lulubosin ko na." anang pa ng bakla. Napailing na lang ako.
Dumating kami ng mall mga bandang twelve thirty. After mapark sa parking lot ang sasakyan ay agad ring lumabas ang mga bruha.
Pinagbuksan ako ng pinto ni John at agad na pinagsiklop ang kamay namin nang makababa ako.
"Ehem! Ehem! Hindi naman kayo nang-iinggit 'no." reklamo nila.
"Dumamoves na kasi kayo." kantyaw ko sa kanila at tumawa.
Doon na lang din kami pumasok sa entrance ng parking lot since diretso na iyon patungong grocery area.
Huminto kaming lahat sa nakalinyang push cart. Hinarap kami ni Maria.
"Ganito guys... By pair tayo para mabilis natin makuha ang lahat ng kailangan natin." aniya at humila ng isang push cart.
"Kami ni Aleah sa desserts, while si Kristel at Fate sa drinks. Kayo naman Yam, doon kayo sa mga sarsa at frozen goods na kailangan para sa ulam na lulutuin." dagdag niya.
YOU ARE READING
LOVE CURSE
Teen FictionBeing inlove is the best feeling ever, though hindrance sometimes come, but because of determination lahat ay gagawin. Halyn Yam Blasco is a typical girl na lahat gagawin para lang mapansin ng kaniyang one and only love John Michael Vasquez. A snob...