Isang linggo na naman ang lumipas at February five na ngayon. Ang bilis ng araw, sing bilis ng pagkarupok ko kay John, at ito ako ngayon, tahimik na naglalakad sa hallway ng building floor nila John.
Ang building kasi nila ay kailangan ko pang daanan para makarating sa building ng classroom ko at naiirita ako sa mga nakikita ko habang naglalakad dahil puro mga couples na naglalampungan.
Wala pa ngang Valentines Day pero ang aga na nilang nagcelebrate.
Ang sarap sigawan at laitin.
Kasi naman... Talagang harap-harapang pinapamukha sa 'kin na single ako.
Nang nasaktohan ko ang room nila John ay humina ang paglalakad ko at kunyari ay nagtititingin sa loob pero ang totoo ay nagpapapansin lang.
'Yon kasi ang mahirap sa pagiging marupok, kunyari ayaw mo na, na kunyari magmomove-on ka na pero shit! Kapag nandiyan na ay parang walang nangyari at babalik ka ulit sa pagiging obssess sa kan'ya.
Then suddenly, nakarinig ako ng sigaw galing sa loob ng room nila John.
"Yam!" Sigaw nito at mukhang alam ko na kung sino ang tumawag sa 'kin.
Nakangiwi akong humarap sa classroom nila John at hinanap si Veloso, nakangiti pa siya habang papalapit sa 'kin.
"Bakit?" Diretsong tanong ko dito nang makalapit siya kasama si Warren.
"Wala naman. Kakamustahin lang kita since napadaan ka na rin dito." at talagang nakakaloko ang ngisi niya.
Ngumiwi ako.
"Manahimik ka nga diyan." kunyari ay seryoso kong tugon at umirap pa sa harap nila.
"Grabe ka naman, totoo nga. Oh ito, goodmorning, Yam." bawi pa nito na halata namang trip lang.
"Ikaw Veloso, tigil tigilan mo 'ko sa mga kalokohan mo kung ayaw mong masapak." banta ko rito at ipinakita pa ang kamao ko.
Itinaas naman nito ang dalawang kamay at natatawang nagsalita.
"Chill! Chill, okay! Mag-go-goodmorning lang talaga ako." mabilis niyang bawi. Nang sumali naman si Warren.
"Good morning, Yam." Sabi nito at ngumiti.
Ngumiti rin ako.
"Good morning din." maayos kong sagot since maayos naman 'tong kausap si Warren kahit minsan puro banat.
"Uh, sige ah... Papasok na ako. Pakibigay na lang ng good morning ko kay John." paalam ko at binulong kay Veloso ang huling salita bago umalis at pumasok sa klase ko.
Nang makarating ako sa room ay napakaingay ng mga kaklase ko na para bang ngayon lang sila nagkita-kita. Agad naman akong lumapit sa mga kaibigan kong na-ngu-nguna sa ingay ang mga boses.
"Gandang umaga." bulabog ko sa kanila na parang hindi man lang ako nakitang lumapit sa kanila.
"Oh, Yam, bakit ngayon ka lang?" Sagot ng baklang Ramil nang sa wakas ay nakita din ako.
Ngumuso naman ako. "Nastucked ako kila John eh. Si Veloso kasi."
"Kakainggit naman 'tong babaitang 'to. Kung walang pag-asa kay John ay may reserba pang marami. Hindi na lugi." si Fate. Napairap ako.
Kung wala akong pag-asa kay John, edi wala ding pag-asa sa 'kin 'yong nanliligaw sa 'kin, para fair. Basted ako kay John, basted din sila sa 'kin.
"Ha ha ha nakakatawa ang joke mo Fate." salubong ang kilay na bara ko kay Fate na ngumuso naman agad.
"Ayan kasi, h'wag badtripin ang bitter." pagpaparinig pa ni Ramil kaya wala sa oras kong ipinakita sa kan'ya ang kamao ko.
"Sige pa. Dagdagan niyo at ng masupalpal ko kayo nito." turo ko pa sa kamay ko.
YOU ARE READING
LOVE CURSE
Teen FictionBeing inlove is the best feeling ever, though hindrance sometimes come, but because of determination lahat ay gagawin. Halyn Yam Blasco is a typical girl na lahat gagawin para lang mapansin ng kaniyang one and only love John Michael Vasquez. A snob...