CHAPTER 12

1 0 0
                                    

Halos hindi na magkamayaw ang nararamdaman ko dahil sa sobrang kilig. Papauwi na kami ngayon ni John. 'Hahatid niya muna ako bago siya dumiretso sa kanila.

Kanina pa ayaw matanggal ng ngiti ko sa labi simula ng nangyari kanina. Gusto kong tumili pero nahihiya ako dahil kasama ko siya.

"We're here.." anonsyo niya at nagpark.

Tinanggal ko ang seatbealt na siya ring pagbukas ni John sa pinto ko. Sumulyap ako sa bahay at nakitang bukas ito.

Nagsalubong ang kilay ko.

Oh? May tao?

Salubong pa rin ang kilay kong lumabas habang nakatingin sa bukas na pinto ng bahay namin at tinanggap ang bag kong dala ni John. Sinara niya ang pinto at sabay kaming pumasok sa gate. Pagkapasok sa loob ng bahay ay naabotan namin si Kuya na may kasamang babae sa may sala. Nagtatawanan sila at halatang may kung ano sa pagitan nila.

Nagkatinginan kami ni John at mukhang pareho ng iniisip. Bumaling ulit ako kina Kuya. Hindi nila kami namataan kaya tumikhim ako.

No'ng una ay hindi pa rin kami napansin ni Kuya kaya mas nilakasan ko ang pagtikhim. Agad namang nahinto ang dalawa sa pagtatawanan at dumako sa pwesto namin ang atensyon nila. Nanlaki ang mata ni Kuya nang makita kami. Taranta siyang tumayo at tumingin doon sa babaeng kasama niya bago sa 'kin.

Ngumuso ako sabay taas ng kilay habang nakatingin sa kaniya.

Anong ibig sabihin nito?

"Kuya?" Tawag ko rito. Tumikhim naman ito at lumapit sa amin.

"N-Nakauwi kana p-pala." sabi nito.

Hindi ko naman nilubayan ng tingin ang kasama niya.

"Sino 'yan Kuya? girlfriend mo?" tanong ko ulit dito. Mas lalong nanlaki naman ang mata niya kaya confirmed.

Napangisi ako at agad siyang tinukso.

"Kailan ka pa nagkagirlfriend huh?! Bakit hindi ko alam? Ayiee si kuya nagbibinata na.." kantyaw ko rito.

Nakita ko ang pamumula ng leeg niya kaya napangisi ako.

"Ano ka ba! Tumigil ka nga diyan!" suway nito sa 'kin at nagkamot ng ulo.

Mas lalong lumaki ang ngisi ko sa inasta niya.

Bahagya naman akong natawa at sandaling napasulyap roon sa babae na nakatayo na.

"Ang sama mo Kuya ah! Sarili mong kapatid pinaglihiman mo! 'Di ako boto sa'nyo hmp!" pagmamaktol ko dito at kunyaring nag walk out.

Nagngiting aso naman ako at tumingin kay John na nakatingin sa akin. Kinindatan ko ito at saka hinila papasok patungo sa kwarto ko.

"Hey! Yam! Saan kayo.." hindi ko na narinig ang sunod na sinabi ni Kuya nang makapasok kami sa kwarto ko.

Pinaupo ko si John sa kama ko. Nilapag ko naman sa upuan ng study table ko ang bag ko at pagkatapos ay humarap kay John.

"Dito ka lang muna. Magdadrama muna ako kina Kuya. Mukhang may lovelife na ang Kuya ko!" at saka tumawa.

Ngumiti naman siya at tumayo. Naitikom ko ang bibig nang lumapit siya sa 'kin at hawakan ang dalawa kong siko.

Ah a-ay anong?..

"I can't stay longer Lyn, I need to go home." aniya.

"But I can if you'll let me call in our house. I'll inform my grandparents i'll be home.. Maybe late? I guess?" dugtong niya.

Nanlaki ang mata ko at bahagyang lumayo sa kaniya pero hindi niya binitawan ang mga siko ko.

"Ah oo nga pala hehe, uuwi ka pa pala. Hindi na! H'wag kana magpaalam, uuwi ka na rin naman."

LOVE CURSE Where stories live. Discover now