Tahimik ko siyang pinanood na umorder. Mahaba ang pila kaya medyo natagalan siya. Tumaas ang mga kilay ko at naisipang kuhanan siya ng litrato habang umoorder. Seryoso siya habang tinuturo ang inoorder niya. Tinapat ko ang camera sa kaniya at kumuha ng iilang side view pictures niya.
Nang nakontento ako ay akma ko na sanang ibababa ang cellphone ko, nang bigla'y luminga-linga siya, at nang nahanap ako ay huminto ang paningin niya.
Ngumiti ako sa kaniya at naisipan na ring kuhanan siya ng litrato. Binaba ko ang cellphone ko pagkatapos at tinignan siya.
Nginitian niya ako at ibinalik na sa harap ang paningin. Huminga naman ako at binuksan ulit ang cellphone ko para tignan ang mga kuha ko sa kaniya. Napangiti ako habang tinitignan ang mga picture niya. May nagustohan ako roon kaya ginawa kong wallpaper. I bit my lip at hindi na matanggal ang ngiti sa labi nang itago ko ang cellphone.
Kumurap naman ako at napataas ang kilay. Tumingin ako sa gilid ko at mabilis na tinulungan si John nang makitang dala na niya ang pagkain namin.
Parehong pagkain lang ang inorder niya. Iyong meal na may lumpia, pero itlog ang isa. Iyong may pulang flag sa chicken ang kinuha ko dahil lumpia ang kasama non. Sa kaniya naman iyong may egg.
"Let's eat." aniya. Tumango naman ako at nagsimulang kumain. Napatigil ako dahil 'yong chicken ang una kong tinikman. Saka ko nalamang maanghang pala iyon. Kumakain naman ako ng maanghang kaya walang problema, pero sinabi ko pa rin sa kaniya. Nangunot ang noo niya at tinikman ang chicken ko. Uminom agad siya nong coke pagkatapos maanghangan.
"She took my order wrong." aniya.
Mabilis ko siyang pinigilan dahil balak niyang bumalik doon para magreklamo.
"H'wag na. Kumakain naman ako ng maanghang." pigil ko sa kaniya at pinabalik siya sa pag-upo. Labag man sa loob niya ay umupo na lang siya.
I don't want to cause a scene here. Maliit na problema lang naman ito at hindi naman problema sa akin kung spicy ang chicken.
"It's okay. Masarap din kaya ang spicy chicken nila." sabi ko at uminom ng coke.
"Hindi na. H'wag ka na magreklamo. Ayos na ako nito. Kakainin ko, kaya kumain na tayo." sabi ko at nginitian siya.
He sigh at tumango.
Ano kaya kung sa ibang tao 'to nangyari? I mean, I'm sure na misheard lang nong cashier ang order niya dahil sa ingay na rin ng paligid. At sa pagmamadali dahil marami pa ang kakain.
Kumain na ulit kami. Hinati ko ang chicken ko dahil masyadong malaki para kagatin. Napakurap ako at napatingin kay John nang kunin niya ang kalahati ng chicken ko at ibigay sa akin ang kalahati ng kaniya. Tumaas ang kilay ko.
"Kumakain ka ba ng maanghang?" Tanong ko sa kaniya. Hindi ko pa siya nakikitang kumain ng spicy food.
Umiling siya kaya nangunot ang noo ko.
"Maanghang 'to, bakit ka kakain? Hindi ka pala kumakain ng maanghang." nag-a-alala kong pigil sa kaniya. Sinubukan kong kunin pabalik ang kinuha niya pero pinigilan niya ako.
"I want to try the food you eat. Let me start this one." aniya. Napakurap-kurap ako. Ngumiwi ako dahil baka hindi niya makayanan ang anghang.
Hindi naman 'to gaanong maanghang--para sa 'kin, kasi sanay ako sa maanghang, hindi ko lang alam sa kaniya.
Tinikom ko na lang ang bibig dahil determinado talaga siyang kumain non. Huminga na lang ako nang walang magawa.
"Hindi mong pilitin kung hindi mo kaya. Ibigay mo na lang sa 'kin." sabi ko nang magpatuloy kami sa pagkain.
YOU ARE READING
LOVE CURSE
Teen FictionBeing inlove is the best feeling ever, though hindrance sometimes come, but because of determination lahat ay gagawin. Halyn Yam Blasco is a typical girl na lahat gagawin para lang mapansin ng kaniyang one and only love John Michael Vasquez. A snob...