Nang makabalik kami sa room ay hiyang-hiya akong umupo sa upuan ko. Hindi mawala sa isip ko 'yong nangyari kanina.
"Hala nakakahiya naman.. Nakanganga ako sa harap ni Aldrin kanina." dismayadong pagdadabog ni Aleah na nakahawak pa sa pisnge.
"Nakakahiya talaga! 'Yong nagpaplano pa lang tayo pero nong nasa harap na natin eh hindi tayo nakaimik." mapaklang sang-ayon ni Jewell.
Napasapo ako sa noo.
"Eh kasi naman... Ang sabi ko tara na pero kayo nakatunganga pa." sarkastikong sagot ko sa kanila. Mga 'to ang lakas magreklamo eh kasalanan din naman nila kung bakit sila napahiya.
"Bakit? Kasalanan ba naming masyado kaming nahumaling sa kagwapohang taglay ng mga bebeluvs namin." nakangusong sabat ni Maria. Napangiwi ako.
Ayan. Siya ang pasimuno!
"Ay ewan ko! Basta nakakahiya talaga kayo." panunulsol ko sa kanila dahilan para lalong umasim ang mga mukha nila.
"Bwesit 'to! Akala mo naman hindi rin napahiya." ungot ni Vanessa pero umiling ako.
Napaenglish nga ako kanina eh.
"Hindi ah! Sa totoo nga niyan, tinaboy ko pa sila kanina. Ang sabi ko, 'Could you please move away, you're blocking the way'." tapos ay nagflip hair.
Kumunot ang mga noo nila.
"Weh?! 'Di nga?" Hindi naniniwalang kumpirma ni Kristel.
"Oo nga, ang kulit! Hindi niyo kasi narinig kasi nakatulala kayo. Mabuti nga at hindi tumulo mga laway niyo." sagot ko na may dalang pang-aasar.
Kung 'yon pa ngalang nagpaplano kami eh nag-aalangan na kami, 'yon pa kayang gawin na namin. Masyadong nakakahiya.
Pero bahala na, basta kailangang subukan dahil baka umobra at mahumaling na sa akin si John.
Magpapasalamat talaga ako ng bongga kay Maria pagnagkataon.
Nang lumipas ang buong maghapon ay nakatambay kaming pito sa field. It was supposed to be our last subject para makauwi pero pinatawag ang mga Teacher's dahil sa emergency meeting na hindi namin alam kung tungkol saan. Since it's too early para umuwi ay napagdesisyonan naming magbarkada na tumambay muna dito sa field dahil masyadong boring sa bahay kung uuwi ako ng maaga. And besides... Hindi pa rin umuuwi sina John kaya tumambay muna kami dito ngayon.
Busy kami sa pagpaplano tungkol sa gagawin naming report na next week pa naman iprepresent nang buksan ni Maria ang tungkol doon sa #4 step.
Nakanguso akong tumingin sa kaniya. At talagang gagawin pa namin iyon matapos ang kahihiyan kanina.
"Kailangan na nating isagawa ang 'Operation paibigin si Crush' as soon as possible dahil malapit na ang Valentines Day." sabi nito.
"Hindi ka pa nadala sa nangyari kanina!" Nanlalaki ang matang sigaw ni Fate.
Nagsitango kaming lahat sa sinabi niya at lahat ng mata ay tumingin kay Maria.
"Duh... One mistake can't change my mind to do it, 'no! Call me desperate pero gano'n talaga pagna-inlove ka. Lahat gagawin kahit masaktan ka pa." madrama niyang tugon na tila nag-iimagine.
Napailing kaming lahat.
Desperada na kung desperada basta para kay John ay gagawin ko ang lahat.
"Sige game pa rin ako. At dapat kapag tumungtong na ng February ay may lebel na kami ni John." sabi ko at gumawa ng heart shape gamit ang kamay.
"Ako din. Kailangan si Elijah ang makadate ko ngayong Valentines Day." dagdag ni Kristel.
"Ay malamang! Kung sang-ayon ang dalawa, sang-ayon din ang lima." pabiro at natatawang tugon ni Ramil kaya nagtawanan kaming lahat.
YOU ARE READING
LOVE CURSE
Teen FictionBeing inlove is the best feeling ever, though hindrance sometimes come, but because of determination lahat ay gagawin. Halyn Yam Blasco is a typical girl na lahat gagawin para lang mapansin ng kaniyang one and only love John Michael Vasquez. A snob...