Bandang alas tres ay umalis kami at binalikan ang shop ni ate Cori. Kung hindi ko siya inaya ay baka hindi na kami umalis. Ngayon ko lang naramdaman ang hiya pagkatapos ng ginawa namin kanina. Ngayon tahimik kaming pareho habang nakaupo at naghihintay.
Tumikhim ako para bawasan ang katahimikan sa pagitan namin. Kinuha ko ang cellphone ko at ipinakita sa kaniya ang pictures na kinuha ko sa kaniya kanina, habang umoorder siya.
Pero hindi ko pa naman napipindot ang gallery ay kinuha niya na sa 'kin ang cellphone ko nang mapansin ang wallpaper.
Kagat labi niya akong nilingon."You did this?" Tanong niya. Tumango ako.
"Kasama 'yan sa kinuha ko kanina. Ang gwapo mo diyan ih. Amoy akin." pabiro kong tugon, tinignan ang picture niya.
Mas gigil niya naman kinagat ang labi niya at namumungay ang matang tinitigan ako, kaya napa-angat ulit ang tingin ko sa kaniya.
"I want a picture of you too." aniya kaya napakurap ako.
"I'll use it as my wallpaper." dagdag niya kaya napangiti ako.
"Alin? Marami akong pictures. Pili ka na lang diyan sa gallery ko." sabi ko at pinindot ang gallery app.
Unang bumungad doon ay ang album ng buo kong mukha. Mahigit one handred pictures 'yon. Ang iba ay mga stolen. Mga kuha ng mga kaibigan ko tuwing gagala kami.
Siya naman ang nag-operate sa pag-i-iskrol ng mga pictures. Hindi niya na tinignan ang mga ibang album na naroon, basta ay pinindot niya iyong puro mukha ko lang. Mabuti na lang din at baka makita niya ang album ng mga ninakaw kong pictures niya noon. Natawa ako nang maalala ang mga iyon. Bawat profile niya ay sinisave ko iyon. Palagi akong updated kasi palagi ko namang binibisita ang account niya.
Tumikhim ako dahil iyong nakakatawang picture ko agad ang una niyang nakita. Naiswipe ko pataas iyon dahil sa kahihiyan. Inilayo niya naman sa akin ang cellphone ko at ibinalik sa pinakauna ang pictures.
"H'wag 'yan, nakakahiya." reklamo ko dahil nakakahiya talaga ang mga kuha na 'yon. Madalas ay stolen. Iyong nakanganga ako habang natutulog, mga kuha ni kuya tuwing pinapakealaman ang cellphone ko.
Hindi naman siya nagpatinag at ipinagpatuloy ang pagtitingin ng mga iyon. Ako na ang umiwas ng tingin dahil hindi na nakayanan ang kahihiyahan.
Sumandal na lang ako sa kaniya at saka na ibinalik ang pakikitingin ng mga maayos na kuha ko na ang nakikita niya. Binigyan ko pa siya ng iilang suggestion's sa mga choices pero ang sabi niya'y siya raw ang pipili kaya hinayaan ko na lang siya.
Halos doon naubos ang oras namin sa paghihintay. Kalauna'y lumabas si ate Cori. Ako na ang lumapit sa kaniya at hinayaan muna si John doon na sobrang busy na sa cellphone ko. Parang halos lahat ng picture ko ay pinapasa niya na sa cellphone niya.
"Ito na, Yam. Tapos na ang cake mo. Pasensiya na sa matagal na paghihintay." si ate Core. Ngumiti ako at nagpasalamat.
"Ayos lang, ate. Wala rin naman kaming ibang gagawin." sabi ko at tinanggap ang box ng cake.
"Ginawa ko ng apat ang cupcake mo. Dalawang freebie at 'yong dalawang binili mo." aniya, lumawak ang ngiti ko at ilang beses na nagpasalamat.
"Nako, salamat ate."
"Ano ka ba, wala 'yon."
Ibinigay ko na sa kaniya ang bayad at saglit kaming nagtawanan. Nagpaalam na ako at babalikan na sana si John nang maramdaman ko na ang presensiya niya sa tabi ko. Binalik ko na lang kay ate Core ang paningin at sabay na kaming nagpaalam.
"Sige ate, mauna na muna kami. Kailangan na namin 'tong iuwi." paalam ko at ibinigay kay John ang box ng cake at cupcake.
"Sige. Ingat kayo."
YOU ARE READING
LOVE CURSE
Teen FictionBeing inlove is the best feeling ever, though hindrance sometimes come, but because of determination lahat ay gagawin. Halyn Yam Blasco is a typical girl na lahat gagawin para lang mapansin ng kaniyang one and only love John Michael Vasquez. A snob...