Mabilis ang tibok ng puso ko habang nakikinig sa kanila. Para akong tinakasan ng kaluluwa sa narinig.
Si John? Mai-in-gage?
"He can't say no to his grandparents Yesha. I'm sure kaya niya lang gin-ril-friend iyong babaeng iyon para pampalipas saya habang hindi pa dumadating ang engagement namin."
Lumipad ang kamay ko sa bibig ko at pinigilan ang sariling lumabas at sumugod.
Ano 'tong nagawa ko? Nakapangako na si John kay Axcel at... Nagawa ko 'to.
Wala na akong narinig pang iba bukod sa tawa nila at tunog ng mga yapak na papaalis. Mabilis akong lumabas at nagtungo sa salamin.
Ang takot sa mukha ko ay kitang-kita. Namumutla ako dahil sa narinig.
Hindi pa nga kami nagtatagal ay may ganito na agad. Mukhang mauuwi nga ito sa gulo, sa problema, at higit sa lahat, kamumuhian ako ni John.
Suminghap ako at napailing.
Lutang akong bumalik sa room. Nawala ako sa mood at marami ng pumapasok na idea sa utak ko.
Paano na ito ngayon? Ma-i-in-gage pala si John at nagawa kong maging ganito siya sa akin.
Naabutan ko silang nagtitipon. Hindi ako umimik para tawagin sila. Dumiretso ako sa room para kunin ang bag ko. Pagkalabas ay mga mata agad ni John ang nasalubong ko. Mabilis niya akong nilapitan.
"Oh Yam andito kana pala! Tara na! Kanina ka pa namin hinihintay." si Maria. Tumango ako at inayos ang shoulder bag ko.
"Give me your bag." utos ni John habang pababa kami ng building.
"Hindi na. Hindi naman kita jinowa para maging tagabuhat ng mga gamit ko." sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad. Nasa huli kaming dalawa kaya nagmadali ako para sabayan sila Ramil, pero bago pa ako makasunod ay sinabayan na ni John ang bilis ng paglalakad ko.
Kunot noo niya akong nilingon.
"Hindi mo nga ako sinagot para maging ganoon but I insist. You don't need to carry your things when I'm with you. What's my purpose as your boyfriend if I won't help you?" Aniya at sinubukang agawin sa akin ang shoulder bag ko.
Hindi naman mabigat itong bag ko kasi ang laman lang naman nito ay iilang ballpen at Binder.
"Hindi na talaga. Kaya ko na 'to. Magaan lang naman." pilit ko at nilayo sa kaniya ang bag ko.
"Yam, what's wrong? Kanina mo pa ako iniiwan. Bakit ayaw mong sumabay sa akin?" Tanong niya.
"And you're cold. What's the matter?" Dagdag niya.
Huminga ako at umiling.
Kung totoo iyong narinig ko, gusto kong siya mismo ang magsabi. Sa kaniya ko mismo marinig. Ayokong magpadalos-dalos.
"Malamig lang. Mukhang uulan kasi." rason ko na lang at binagalan na ang paglalakad para magkasabay kami.
Tama nga sila, hindi mo mapoprotektahan ang sarili mo sa lungkot kung puro saya lang ang iniisip mo.
Masyadong pambihira ang lungkot na kapag tinangay ang kaligayahan mo ay wala ka ng magagawa kun'di ang manahimik.
Nakarating kami sa parking lot at nagkaniya-kaniya ng paalam para umuwi. Binuksan ako ng pinto ni John at mabilis akong sumakay.
Maraming tumatakbo sa isip ko ngayon. Alam kong hindi totoo na ginagamit lang ako ni John. Alam ko, kasi iba ang dahilan kung bakit nagkagusto siya sa 'kin.
"Anong problema natin? Bakit ang tahimik mo?" Tanong niya sa kalagitnaan ng byahe namin.
Sinandal ko ang ulo sa salamin ng bintana at pinanatili ang tingin sa labas. Hindi ako sumagot, pero napabaling ako sa kaniya nang hawakan niya ang kamay ko habang nagmamaneho.
YOU ARE READING
LOVE CURSE
Teen FictionBeing inlove is the best feeling ever, though hindrance sometimes come, but because of determination lahat ay gagawin. Halyn Yam Blasco is a typical girl na lahat gagawin para lang mapansin ng kaniyang one and only love John Michael Vasquez. A snob...