"Ayon sila!" Mahinang sigaw ko nang makita sila Ramil kasama sila Maria sa station ng mga junkfoods.
"Bilisan natin." utos ko at sinilip sila Maria na namimili.
Tinawag ko agad sila nang makalapit kami. Si Fate at Aleah ay sinalubong kami habang ang tatlo ay hinintay kaming makalapit.
"Ayos na sa inyo?" Salubong na tanong ni Maria. Tumango ako at ipinakita ang cart namin.
"Tapos na rin kami. Buti nakita niyo kami dito." anito.
"Kagagaling lang namin do'n. Pinili talaga naming dumaan dito dahil baka nandito pa sila Ramil." sagot ko at itinuro ang likod namin.
"Tara! Pumunta na tayong counter para magbayad. Mag-aala-una na." si Aleah.
"Ihahatid na lang ba namin kayo after nito?" Tanong ko.
"Oo, tapos diretso na kayong bumili ni John ng cake." si Maria.
Tumango ako at nilingon ang mga nakadisplay na pagkain. Kumurap ako at rumahan ang paglalakad nang tumapat kami sa mga chocolates.
"What's the matter?" Rinig kong tanong ni John. Kumurap ulit ako at nilingon siya. Huminto na pala kami sa paglalakad. Sinipat ko sila Fate. Patuloy naman sila sa pagbaybay ng daan. Binalik ko kay John ang tingin.
"Sumabay ka na sa kanila. May bibilhin lang ako." utos ko dito at nilingon iyong mga chocolates.
Matagal-tagal na rin nong makatikim ako ng mamahaling chocolates.
Bumaba ang tingin ko doon sa extrang basket sa ilalim ng push cart. Walang laman iyon kaya kinuha ko.
Sinundan ako ng tingin ni John. Ako naman ang magbabayad nito.
Lumapit ako sa mga chocolates at nagsimulang kumuha nong mga maliliit na chocolates.
Kaya naman ng bulsa ko 'to, pero iyong Ferrero Rocher talaga ang aasintahin ko, ngalang, nang iyon na ang kukunin ko, hindi ko abot.
Sinubukan kong abotin dahil na sa tuktok iyon ng lagayan pero 'di ko talaga abot. I heard laughing behind my back.
"Silly, you can't reach it even if you tried so hard baby." rinig kong sabi ni John, at naramdaman ko ang presensiya niya sa likod ko. Nakita ko ang kamay niyang inabot ang Ferrero Rocher. Hinarap ko siya. Kinuha ko sa kaniya ang isang box na Ferrero Rocher dahil dalawa ang kinuha niya.
"Salamat." pasalamat ko.
"Ibalik mo na 'yong isa. Isa lang ang kaya ng badget ko." Utos ko at tinignan ang presyo ng Ferrero Rocher, but he put it in my basket instead na ibalik sa lagayan.
"What else do you want?" Tanong niya.
"Isa lang ang kaya kong bayaran..." reklamo ko at kinuha ang nilagay niya.
"I'll pay that, don't worry. Come on, what else do you want? We'll buy it." aniya. Ngumuso ako at tinitigan siya. Tumaas ang kilay niya at natatawang tinignan ako.
"What?" Natatawa niyang tanong.
"H'wag mo 'kong sanayin sa libre. Ayokong maging dependent sa iba." nakanguso kong sabi.
"I know you're independent but baby, let me provide for your whim's sometimes." aniya.
"It's worth it spending money on, and you deserved it." aniya pa at tinap ang ulo ko.
I tried not to smile, but I couldn't. Ngumuso na lang ako.
"Love na love talaga kita." kinikilig kong sabi at niyakap siya.
Bahala na ang makakakita diyan. Mainggit sila.
Niyakap niya rin ako at hinalikan sa ulo.
"Come on, let's get your chocolates. Naiwan na nila tayo." sabi niya at hinintay ang sasabihin ko.
YOU ARE READING
LOVE CURSE
Teen FictionBeing inlove is the best feeling ever, though hindrance sometimes come, but because of determination lahat ay gagawin. Halyn Yam Blasco is a typical girl na lahat gagawin para lang mapansin ng kaniyang one and only love John Michael Vasquez. A snob...