CHAPTER 6

0 0 0
                                    

Mabilis lumipas ang ilang araw at friday na ngayon. Araw ng mga puso na sa lunes. Apat na araw na lang ang hihintayin ko!

Nakapangalumbaba lang ako habang nakikinig kay Miss. Hindi na ako makapaghintay na mag uwian dahil may ibibigay ako kay John mamaya.

Isa 'yong invitation na inaanyayahan ko siyang maging kadate ko sa valentines day.

Kinikilig ako sa isiping mababasa niya ito at papayag siya, pero hanggang isipin lang 'yon dahil never mangyayari rin. Baka nga makapagmulta ako ng wala sa oras.

"Ang boring." sabi ko at humikab. Nakakaantok magturo ang history prof namin. Ang hina magsalita, parang pagong ang bibig. Kung sa bagay, matanda na eh.

Napatingin ako kila Ramil na nakikipag-usap kina Vanessa at Maria. Inuuto nila si Maria tungkol do'n sa dare.

Napasimangot ako. Mukhang effective ang pang-uuto nila dito dahil panay tango si Maria.

Makapagpaturo nga ng teknik nila mamaya.

Hanggang sa magbreak time.

Laking pasasalamat ko.

'Buti at nakasurvive ako sa time ni Mrs. Magdayo, dahil kung hindi ay baka naghihilik na ako doon. Makakita sila ng isang magandang natutulog ng mahimbing habang nag-iimagine na kinakasal na daw sila ni John.

"Anong sa inyo?" Tanong ni Ramil.

"As usual malamang." hindi sinasadyang bara ko.

Tumaas ang kilay niya at nanlaki ang butas ng ilong.

"K fine." bawi nito at inirapan ako. Natawa naman ako.

"Di sadya lang eh." maktol ko at nag-order na.

Pag-upo sa table namin ay tahimik akong kumain at nakikinig lang sa kanila. Ni-hindi din ako lumingon o hinanap sila John dahil alam ko namang nandito na rin sila.

"Sa lunes na ang valentines day. Hindi ko pa alam paano yayayain si Razo mga bakla!" Naghehesterical na sabi ni Ramil.

Mahina ko namang sinapak ang balikat niya kaya salubong ang kilay niya akong binalingan ng tingin.

"Huwag ka ngang magsalita habang puno ang bibig mo." Salubong ang kilay na sabi ko sa kaniya.

Ngumuso naman siya at saka umirap.

"Sorry naman." aniya.

Nabatukan ko tuloy ng wala sa oras. Kakasabi ko lang na h'wag magsalita habang puno ang bibig eh.

"Ano ba Yam!" Reklamo niya.

"Oh bakit? Inaano kita?" Tanong ko.

"Kanina ka pa nananakit." tugon niya at mabilis inubos ang pagkaing na sa bibig niya ng sinamaan ko siya ng tingin.

"Kasalanan mo. Kakapaalala ko lang sa 'yong huwag magsalita ng puno ang bibig eh, nagsalita ka ulit." katwiran ko.

"Eh kasi naman--Oo na! Kasalanan ko na." aniya at nakangusong binalik ang tingin sa pagkain.

Natawa na lang kami sa inasta niya. Mukha siyang pato kakanguso.

Nang matapos ang break time ay uugod-ugod kami kakamadali sa paggawa ng irereport sa harap ngayon.

Pagkarating kasi ng next sub namin kanina ay nag-anonsyo agad siya na gagawa kami ng by group reportings. Since hindi naman uso kay Prof na mag-inarte sa paggawa ng groups ay agad bumuo ang anim ng grupo namin na dinayo agad ng iba para sumali. Pero dahil hanggang pitong myembro lang ang pwede sa isang grupo at sapat na kaming pito para makabuo ng isang grupo ay hindi na nakasali ang iba.

LOVE CURSE Where stories live. Discover now