Napako ang tingin ko sa kaniya.
Akala ko ba sa dm manonotice? Ano 'tong akin? Instant notice sa real life!
Gosh nakakakilig!
Hindi ako makapaniwala!
Ang long time crush ko, napansin na rin ako! At dahil 'yon sa love curse na ginawa ko.
Halos mangisay ang pwet ko sa upuan sa paghihintay ng gagawin ni John.
Ito na ba? Yayayain na ba niya ako?
Nang nauna ng magsalita si Warren, kaya sa kaniya napunta ang kaunti kong attensyon dahil hindi pa rin ako makapaniwala.
"Yam, good afternoon." anito.
"Ah! Good afternoon din." saka tipid na ngumiti.
Napatikhim ito at napakamot sa batok.
"Kasi ano Yam.. Ah.. Ano kasi.. Ano--"
Nang may nagnotif sa cellphone ko. Agad ko itong kinuha at sumenyas na titignan sandali. Nangunot ang noo ko ng may nakitang unregistered number na nagtext sa 'kin.
Unregistered Number:
Let's meet at the back of the gymnasium. Asap
Basa ko sa message. Eh? Sino 'to? Si Cydrick?
Kumunot ang noo ko at napaangat ng tingin sa paligid.
Luminga-linga ako para hanapin si Cydrick, nang marinig kong nagpaalam saglit si John. Nakita ko si Cydrick sa 'di kalayuan sa akin, at nang makita ako ay kumaway ito pero wala namang hawak na cellphone.
Napataas ang kilay ko. Sino 'to?
Nang marealized ko.
Nanlaki ang mata ko at hinanap siya.
Kay John galing ang message!
Agad kong hinanap si John sa gilid nila Veloso pero wala na siya doon.
Confirm! Sa kaniya nga!
Napangiti ako at kinuyog ng kilig. Pinigilan ko lang ang sariling tumili dahil baka isipin nilang nababaliw ako.
Pinilit kong kinalma ang sariling muling tumingin kina Warren kahit sa loob-loob ko ay gusto ng sumabog ng tiling kinikimkim ko. Ngumiti ako.
"Ah.. Ahm.. Ano, sandali lang ah. Warren, Veloso. Pupunta lang akong cr. Alam niyo na." sabi ko sa mga ito. Agad namang tumingin sa akin ang mga bruha kong kaibigan.
"Sama kami!" Agad nilang sabi. Nanlaki ang mata ko at agad umiling.
"Hindi na! Okay lang, ako na lang. Huntingin niyo na lang muna ang mga crush niyo, baka sakali may chance pa. 'Lam niyo na, diskarte para hindi makamulta." pigil ko sa mga ito at tumawa para hindi mahalata..
Nagtinginan naman sila. Napangiwi ako dahil sabi ni John, asap daw! Asap!
"Sige na, naiihi na talaga ako. Balik din ako agad. Warren, Veloso, usap na lang tayo mamaya." dali-dali kong paalam sa kanila at nagtatatakbong pumunta sa harap ng gym para lumabas.
Kailangan hindi magpahalata, kaya dito ako sa harap dumaan kesa sa likod kahit mas madali ang daan doon.
Lakad takbo ang ginawa ko para lang mabilis makarating sa likod ng gym. May garden doon at isang maliit na kubo katabi ang isang malaking puno na may duyan. Doon ako minsang tumatambay pag-nagugutom ako tapos walang pambili pagkain--joke lang. Tambayan ko 'yon pag may vacant tapos gusto ko mapag-isa.
Minsan kasi mas gusto ko 'yong tahimik na lugar tapos ako lang mag-isa, tapos nakikinig ng music hanggang sa makatulog, tapos magigising na hapon na pala.
YOU ARE READING
LOVE CURSE
Teen FictionBeing inlove is the best feeling ever, though hindrance sometimes come, but because of determination lahat ay gagawin. Halyn Yam Blasco is a typical girl na lahat gagawin para lang mapansin ng kaniyang one and only love John Michael Vasquez. A snob...