Badtrip ako hanggang sa makauwi kami. Busangot pa rin ang mukha ko nang humarap ako sa pamilya kong nauna pang makauwi sa akin.
Ni-hindi ako kinuyog ng takot na baka galit na sila dahil iniwan ko ang bahay ng walang paalam nila.
Pabagsak akong umupo sa kaharap nilang sofa at sumisinghot-singhot.
Badtrip 'yon!! Minsanan na ngalang nagkakaroon ng stock ang mall na 'yon ng ganoon kalaking panda bear eh naunahan pa ako noong meron na sa harap ko!
Badtrip talaga!
"Anong mukha 'yan Yam?" si kuya.
Nakanguso akong tumingin sa kan'ya at nangilid ang luha.
"Kuya!!!" pasigaw kong tawag dito at ngumuwa.
Lahat naman sila ay nagulat sa ginawa ko.
"Hoi Yam anong problema mo?!"
Tanong ni mama.
"Maaa!! Ninakawan ako!!" atungal ko.
"Ano!!" sabay na reaksyon nilang tatlo.
Umiyak na tuloy ako.
"Maa!! Inagaw niya 'yong teddy bear ko!"
"Ano Yam? Teddy bear? 'yon ang ninakaw sayo?" tanong pa nito. Tumango ako.
"Akala ko pa naman kung anong klaseng nakawan! Teddy bear mo lang pala--sandali! Saan ka galing ng teddy bear?" anito.
"Doon sa mall. Inunahan niya ako makuha 'yong panda bear sa counter!" at saka ulit ako umatungal.
"Susmaryosep Yam! Akala ko kung ano na, 'yon lang pala. Oh at bakit umalis ka ng bahay ng hindi nagpapaalam aber?" tanong pa ulit ni mama.
Natahimik ako at dahan-dahang itinaas ang nakapeace sign kong kamay sa kanila at pilit na ngumiti.
"Eh he he he kasi ma.. Ano.. Niyaya ako nila Fate na magpunta sa mall kanina. Hindi na ako nakapagpaalam kasi akala ko mauuna akong makauwi sa inyo." katwiran ko at ngumuso.
Tumaas lang ang kilay niya at nagpumaywang sa harap ko.
Nagpuot ako pampaawa.
"Sorry na ma."
Buti na lang at mabait sila at hindi na ako pinagsabihan. Madali akong pumasok sa kwarto ko at agad inopen ang group chat namin.
Ang mga bakla nag-uusap. Gumagawa ng kabalbalan.
Sexy Girls: The Marufokerns
Maria: Hoi ano naaaaa!?
Aleah: Anong ano?
Jewell: Ang ano?
Ramil: Hoi anong inaano niyo diyan?
Vanessa: Anong ano vah?
Fate: Si Yam panay seen oh.
Maria: 'Yong ano ba!!
Fate: Ano ba kasing ano 'yan Mar?
Aleah: Nakakagreen 'yang ano mo Mar.
Vanessa: Aleah nagpapahalata.
Aleah: 🖕 @Vanessa Dela Cerna
Yammy: Hoi ginagawa niyo?
Singit ko na. Umugong naman agad ang reply nila.
Maria: Yaaaaaam!!
YOU ARE READING
LOVE CURSE
Teen FictionBeing inlove is the best feeling ever, though hindrance sometimes come, but because of determination lahat ay gagawin. Halyn Yam Blasco is a typical girl na lahat gagawin para lang mapansin ng kaniyang one and only love John Michael Vasquez. A snob...