Napahinga ako dahil sa kabagutan. Kanina pa ako nakaupo at puro kain ang ginagawa samantalang ang mga talimpadas kong mga kaibigan ay nakikipagsayaw sa mga partner nila, habang ako ito, naghihintay ng grasya!
Naisipan kong kumuha ng cake since 'yon na lang talaga ang kanina ko pa pinagdidiskitahang kainin. Hindi lang ako makakuha dahil wala pang bawas, at dahil meron na ngayon, kukuha na 'ko.
"I'll come with you." sabi niya.
"Huh! Hindi na kasi! Kaya ko naman." pigil ko dito, pero tumayo na ito.
Napahinga ako. Tuwing kukuha ako ng pagkain palagi siyang nakasunod sa 'kin.
"Sige ikaw bahala." sabi ko na lang at tumungo sa buffet section.
Kasalukuyan akong naghihintay na matapos itong naunang nakahawak ng kutsilyo pang slice ng cake para makakuha na ako.
'Ang tagal niya makakuha. Tinatanya pa ata kung gaano ka laki ang kukunin'
"Miss? tapos ka na?" tanong ko dito.
Nakakuha na kasi siya eh kaya ako naman.
"Ah oo! Ito oh!" aniya sabay abot ng kutsilyo. Bahagya akong ngumiti saka tinanggap ang kutsilyo at nagslice ng cake.
Dark Chocolate Fountain cake siya at 'yong chocolate na na sa itaas na kumalat ay pure chocolate talaga.
Pagharap ko kay John ay nakita ko siyang may kausap na mga babae. Mga kaedad niya ata 'yon oh classmate niya.
Na sa medyo malayo sila na part kaya nag-iisa ako dito habang nakatingin sa kanila. Ngumiwi ako at akma na lang sanang babalik sa pwesto namin ng mag-isa nang may pumigil sa siko ko.
Napabaling ako sa likod dahil doon galing ang may hawak sa siko ko. Nakita ko si Cydrick na may dalang boquet ng Rose flower at dalawang paper bag na opposite ang laki.
Malaki ang ngiti nito na halos hindi na makita ang mata. Ang cute niya tuloy tignan.
Ngumiti ako sa kan'ya sabay harap.
"Cyd! Happy valentines!" bati ko rito.
Namula naman siya.
"H-Happy valentines din. Ah! Siya nga pala. Para sa'yo." sabi niya sabay pakita ng mga dala niya. Napaawang ang bibig ko sa kan'ya.
"Sa 'kin?"
Tumango siya.
"Oh!.. Salamat ah.. Sama ka na lang sa 'kin sa pwesto namin?" sabay nguso ko kila Warren.
" Hindi ko kasi madadala 'yan. May hawak din ako." Sabay pakita ng cake na kinuha ko. Tumango naman siya.
"Sure! Let's go?"
"Tara."
Bumalik kami doon nang hindi kasama si John. Busy pa rin siya sa kausap niyang mga impakta. Mukhang nag-aalibi lang ata ng kung ano para makausap si John, at dahil malandi siya. Bahala siyang makipag-usap sa mga haliparot ma 'yan.
Nakausap lang ang mga 'yon, nakalimutan na ako. Tshe!
"Dito Cyd. Akin na, ilalagay ko sa gilid ko." aya ko dito at hininge sa kaniya ang bigay niya.
Naamoy ko ka agad ang chocolate sa isa sa mga paper bag na inabot niya.
"Ehem, haba ng hair." parinig nong dalawang lonely.
"Pag-inggit pikit." balik ko sa mga ito. Sumimangot naman sila at inirapan pa ako.
"Naiinggit talaga ako Yam. Leche kasi! Hindi ko na nga nakadate si Jake, magmumulta pa ako!" pagdadabog nila. Natawa na lang ako at pinaupo si Cydrick sa upuan ni John.
YOU ARE READING
LOVE CURSE
Teen FictionBeing inlove is the best feeling ever, though hindrance sometimes come, but because of determination lahat ay gagawin. Halyn Yam Blasco is a typical girl na lahat gagawin para lang mapansin ng kaniyang one and only love John Michael Vasquez. A snob...