Kabanata 7
Hindi makakarating
Bago pa mag-alarm ang orasan na nasa side cabinet ay nagising na ako. Ang kinagulat ko lang ay wala na akong katabi. Napatayo agad ako at nagbabakasakaling nasa kusina lang si Gideon o kasama ni manang pero naabutan kong mag-isa lang si manang.
"Si Gideon po?"
Lumingon naman si manang sa akin at binaba ang plato sa mesa.
"Gising ka pala anak. Maagang pumasok. May tawag kasi siyang natanggap," ani manang. Hindi na siguro ako inabala ni Gideon. "Umupo ka na. Ngayon di ba 'yong kasal ni Nica?" Manang added.
"Ay opo!" Nanlaki ang aking mata. Muntik ko ng makalimutan at saka may sinabi rin kasi si bes sa akin. "Sama raw po kayo sabi ni bes, manang!" Nawala rin kasi sa isip ko na sabihin si manang kay bes. Mabuti na lang naalala ni bes kahapon habang nagche-check kami nung lugar for the reception.
Ilang araw din ang ginugol namin sa kasal na 'to. Nasa isang hotel sila Nica kasama 'yong pamilya niya habang 'yong pamilya naman ni Karl nasa isang village. Kahapon mas ako pa ang kinakabahan sa kanilang kasal. Paano ba naman hindi ko makitaan sila Karl at Nica ng nerbyos dahil asaran lang ng asaran! Ako pa ang nagiging referee sa kanilang dalawa at dahil na sa pagmamakaawa minsan ni Karl. Si bes naman kasi! Ay naku talaga! Sabihin lang ni bes nalalaglag ang panty niya kapag bumabanat si Karl sa kanya. Hay, Nica!
"Wala naman ako—"
"Meron po. May ipapadala po rito na damit. Alam ko itong mga oras na 'to dapat may nai-deliver na," ani ko habang nakalagay ang isang daliri sa baba. Mga around 8 am daw papadala 'yong damit para kay manang.
"Ang bilis talaga ng panahon. Hindi ko akalain na sila sir Karl at Nica ang makakatuluyan. Para kasi silang aso't pusa na hindi mapagkasundo. Iba talaga nagagawa ng pag-ibig." Napalunok ako sa mahabang mensahe ni manang. Napaloob na lang ako ng labi sa pagpipigil ng ngiti. "Nawa'y maging matatag ang dalawang 'yong katulad ninyo ni sir Gideon," dagdag ni manang.
**
To Gideon:
Saan ka na? Time na para umalis? Pupunta na tayong simbahan. Okay na kami ni manang. Hintayin ka na lang namin sa labas ng gate.
Ilang minuto na akong naghihintay ng reply galing sa kanya pero wala pa rin akong natatanggap. Kahapon pinag-usapan naman namin 'to. Saka alam ko clear ang schedule niya ngayon. Pero bakit may inaakikaso siya?
Kaya nagtext ulit ako.
To Gideon:
Gid? Reply ka please :--( Baka malate tayo.
Napakagat ako ng labi habang naghihintay ng reply. Ilang minuto ulit ang hinintay ko pero wala pa rin. Napapikit na ako at nakaramdam ng kamay sa aking balikat.
"May reply na ba siya?"
Napalingon ako kay manang. Sumimangot akong humarap sa kanya at umiling. "Wala pa—" Hindi na natuloy ang aking sasabihin nang may humintong sasakyang sa tapat namin. Muntik ng manlaki ang mata ko.
Baka si Gideon na 'to!
Nagmamadali 'kong binuksan ang pinto sa kasabikang nararamdaman ko ngunit bumaba ang aking balikat sa nakita.
"Ma'am Aly, mauna na raw po kayo sabi ni Mr. Jimenez," bungad ng isa sa mga bodyguards niya sa akin.
Bumuga ako ng isang hininga bago sagutin ito. "Sige." Tipid akong ngumiti at nadismaya ng kaunti. Mahalaga siguro 'yon. I don't want to be selfish, you know. Hindi naman siya siguro gigising ng maaga para lang hindi puntahan 'yon. Saka hahabol naman siya. Medyo maaga pa rin naman para sa kasal nila bes.
**
"Congrats, bes!" Mabilis kong niyakap si Nica pagkatapos ng kasal nila.
"Saan si Gideon?"
I bit my bottom lip. Kumunot naman ang noo ni bes. Grabe bagay na bagay 'yong simpleng ayos ni bes sa gown niya na nagpalitaw ng pretty face niya. Pink ang kulay ng kanyang labi at para mong hindi na nagmake-up sa kasimplehan. Hindi gaanong white ang kulay ng wedding dress at simple lang din ang disensyo. Habang ang bridesmaids ay kulay cream ang dress. Iyon akin pleated cream dress na ang haba ay hanggang ibabaw ng tuhod ko.
"Ganda mo bes! Talbog!" Iniba ko na lang ang usapan dahil ayokong may iba ang mood ni Nica. Imbes na si Gideon kasi ang best man naging 'yong kapatid ni Karl na si Keziah na katulad ni Karl nakalaglag ng kung ano man ngunit hindi kalaliman ang dimples nito.
"Hindi ko nga alam bes. Ano ba bang mas hihigit sa dyosa? Namomoblema ko." Kunot noong sabi ni Nica. Teka nga nasaan ba ang pamalo para lang magising 'tong si bes? Pero araw naman ng kasal niya kaya pagbigyan ko na lang.
"Babe..." tawag ni Karl.
Parehas kaming lumingon kay Karl. Naghihintay na lang kasi kami ng kotse para sa paghatid sa hotel kung saan magaganap 'yong reception.
"Ganda talaga ng boses ni manager!" bungad ko. Hindi ko inaasahan na kakanta pala si Karl. Pati ako naging emosyonal sa kanilang dalawa. Kasi si bes din! Alam ko namang umiyak siya pero hindi ko na lang inungkat. Tapos 'yong vows nila sa isa't isa. Grabe...grabe akala ko maiihi na ako sa sobrang kilig kahit na may hampasang nangyari.
"Ako pa ba, Aly?" pagyayabang ni Karl.
"Naku bes! Tama na ang purihan dahil lumalaki na naman ang ulo nito. Kaya, please. Tama na," asar ni Nica.
Napatikom na lang tuloy ako ng bibig. Ayoko namang ma-bad trip 'tong si bes! Katatapos lang ng kasal nila ni Karl. Syempre ayoko naman mauwi 'to sa kung saan na naman.
"Ito namang asawa ko...mamayang gabi—" Nanlaki ang mata ko nang sapakin ni Nica si Karl. Nakita ko rin ang pagpula ng pisngi ni bes sa sinabi ni Karl. Si Karl naman kasi! "Babe...wala namang masama sa sinabi ko—" Nasapak muli ni bes si Karl sa panga. Napangiwi naman si Karl kaya pumagitna na ako sa kanilang dalawa.
"Tama na...bes. Reception niyo mamaya, please." Tinaas ko bahagya ang kamay ko.
"Humihirit ka pa!" saad ni bes.
Hindi ko alam dito kay bes kung likas na bang ganito kay Karl. O ito lang 'yong way niya para maiparamdam 'yong pagmamahal dito. Ewan ko ba. Siguro ganito lang 'to magmahal pagdating kay Karl. Pero 'yong vows talaga nila sa isa't isa. Siguro hanggang mamaya ume-echo pa rin sa akin 'yong sinabi nila sa isa't isa.
"May reception pa guys. Mamaya na ang fight-fight please," ani ko.
"Humanda talaga 'tong si Nica sa akin mamaya. Tignan nating mamayang gabi," birong sabi ni Karl.
Napaloob na lang ako ng bibig sa biro ni Karl kay bes. Nagpipigil na lang ako ng tawa dahil ayoko ng asarin si bes. Magsasalita na sana ako nang biglang tumunog ang phone ko. Agad kong kinuha ito sa pouch na dala ko. My eyes went wide when I saw who texted me.
Gideon.
Nagmamadali kong tiningnan ang text.
From Gideon:
Sorry, baby. I can't come. I'm sorry.
Bumaba ang balikat ko dahil hindi na makakarating pa si Gideon kahit sa reception.
BINABASA MO ANG
U.N.I. (Book 3 of U.N.I. Trilogy) (SC, #3)
RomanceNang malaman ni Aly ang dahilan nang pagpapanggap ni Gideon ay tinanggap niya pa rin ito ng buong puso at walang pag-aalinlangan. She loves Gideon more than anything in this world right now. Dahilan para isawalang bahala niya ang lahat ng nangyari. ...