Kabanata 35

13.9K 305 20
                                    

Kabanata 35

Manganganak

"Natawagan ko na silang lahat. Sila Nats at kuya Harry. Sila Mom at Dad. Si bes at Karl. Tapos sila grandma, try daw nilang pumunta pero hindi raw sure. Si Benj, hindi makakapunta." Napasimangot ako sa huling pangungusap ng sinabi ko. Siguro abalang-abala lang ngayon si Benj.

Tinignan ko si Gideon na nasa harapan ko na nagpupunas ng kamay gamit ang twalyang hawak niya pagkatapos ay sinampay niya ito sa kanyang balikat. Napahawak ako sa tyan ko at hinimas ito habang pinagmamasdan siya.

Inimbitahan namin 'yong mga mahal namin sa buhay para pumunta rito kasi mamaya 'yong blessing para sa bahay. Kalilipat lang namin dito kahapon at nais ni Gideon na ngayon iyon ganapin.

"Thank you, baby. How are you? Hindi ka pa ba inaantok? Kanina ka pang 5 am gising. Are you not tired?"

Umiling kaagad ako.

"Hindi...okay lang kami." Nginitian ko siya upang mapalagay siya. Totoo naman hindi naman ako pagod dahil nakaupo lang naman ako rito sa couch. Kanina lang ako kumilos noong tinulungan ko si manang na maghiwa ng ilang gulay para sa lulutuin niya.

"Alright! But you need to rest later, okay?"

"Yes, sir!" Sumaludo ako sa kanya at kumurba naman ang labi niya.

Gideon shook his head.

"Tulungan ko lang si manang sa kusina," aniya.

Tumango ako at ngumiti sa kanya. Nagpatuloy naman si Gideon sa kusina at pinagmasdan bago ipaloob ang aking labi hanggang sa kagatin ko ito. Sa bawat sulok ng bahay nakikita ko siya—I mean, ngayong nasa bagong bahay namin dito sa Luwasan at sa libre niyang oras, nakikita ko siya. Hindi na 'yong katulad dati na tuwing uuwi lang at pupunta ako sa opisina. May trabaho nga siya ngunit hindi ganoong kaabala noong CEO pa siya. Pero mayroon sa akin—parte sa akin na naiisip na baka namimiss niya 'yong dati niyang ginagawa. I know how dedicated he is. Alam kong buong puso ang nilalagay niya sa bawat gawain na mayroon siya sa kompanya. Ngayon nalagay si Gideon sa isang department dito sa San Mateo ng Autohub. Katulad ng ginagawa nila Jas o Belle o Renz ang nakaatas sa kanya.

Sinabi naman niya sa akin na masaya naman siya sa ginagawa niya. Kaya doon na lamang ako napalagay.

**

"So kailan daw 'yan bes?" ani Nica. Kasalukuyang nasa banyo ako at katatapos ko lang umihi. Medyo napapadalas.  "Oy, buhay ka pa ba dyan?" tanong niya.

Binuksan ko ang pinto ng banyo at bumungad si Nica sa akin na nakaupo sa kama at nilalantakan ang singkamas. Wait nga...hindi naman mahilig ang babaeng 'yan sa singkamas a.

"Ngayong week daw...may binigay namang date si Doc sa akin," ani ko habang inaayos ang dress ko sa harap niya.

"Bakit hindi ka dambuhala? Oo medyo chubby ka pero bakit hindi ka dambuhala, bes? Hindi ka talaga tabain," kunot noo niyang sabi.

"Sabi ni Mom ganito rin daw siya noong pinagbubuntis niya 'ko." I say and shrug my shoulders.

"Paano kaya ako? Patay! Baka maging balyena ako! Tignan mo si nanay ko! Mataba 'yon! Tignan mo ngayon!" Nataranta si bes at tinigilan ang pagkain ng singkamas. "Bes ayoko! Ayoko ng ganon! Maging balyena?"

"Wait nga! Bakit? Buntis ka ba?" Nanlalaki kong matang tanong sa kanya.

"Hindi no!" She answers immediately. "Bakit mo naman nasabi!" aniya.

"Paano kasi over react ka ng over react! Pwede naman sigurong mag-exercise di ba? Tamang diet lang 'yon," ani ko. Nanatiling nanlalaki ang mata ko nang may naalalang may sinabi sa akin si Nica noong isang linggo. "Di ba hindi ka pa nagkakaron? Di ba?"

U.N.I. (Book 3 of U.N.I. Trilogy) (SC, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon